• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-01-19 19:53:25    
Pagpapalitan sa edukasyon ng Tsina at Pilipinas sa ilalim ng sistema ng EFA

CRI
Ipinapauna ng kasalukuyang daigdig ang pagpapaunlad ng knowledge-based economy, mahalagang mahalaga ang edukasyon sa iba't ibang bansa, at napakalaki ng epekto nito sa pamumuhay ng sangkatauhan. Sa ilalim ng pangkalahatang kalagayan ngayon ng globalisasyon ng kabuhayan at mabilis na pag-unlad ng high-technology, pinahahalagahan ng iba't ibang bansa, lalong lalo na ng mga bansang Asyano, ang pagpapaunlad ng usapin ng edukasyon, pagpapalakas ng pagdedebelop ng yaman ng sangkatauhan at pagpapasulong sa koordinadong pag-unlad ng kabuhayan at lipunan.

Nangingibabaw ang napakalaki agwat hindi lamang sa kabuhayan, kundi maging sa edukasyon at kultura sa pagitan ng mga bansang Asyano. Para mapaliit ang agwat ng naturang mga bansa, lalong lalo na, sa pagitan ng mga bansang may mabilis na pag-unlad at medyo mabagal na pag-unlad, iminungkahi ng mga dating mataas na opisyal ng ilang bansang Asyano ang pagtatatag ng Education Forum for Asia in Beijing.

Si Fidel Valdez Ramos, dating pangulo ng Pilipinas ang isa sa naturang mga mataas na opisyal. Isinalaysay niya na:

"Ang Education Forum for Asia ay magkakasamang sinimulan ng 3 organisasyon--China Scholarship Council, United Nations Educational, Scientific, and Cultural Organization (UNESCO) at Boao Forum for Asia. Sinimulan dito sa Beijing ang proyektong ito noong Disyembre ng taong 2003."

Nitong nakalipas na 3 taon sapul nang itatag ang porum na ito, sa ilalim ng ginhawang dulot nito, dumadalas nang dumadalas ang pagpapalitang pang-edukasyon ng Pilipinas at Tsina. Halimbawa, magkahiwalay na nilagdaan ng panig Pilipino at Shandong University at China Guanghua Nurse Fund ang mga kasunduan. Ayon sa nasabing mga kasunduan, maaring pumunta ang mga Tsino sa Pilipinas para mag-aral ng Ingles, at magpadala rin ang Pilipinas ng mga guro at estudyante sa Tsina para magturo at mag-aral.

Kaugnay nito, sabi ni Hon. Carlito S. Puno, tagapangulo ng Commission on Higher Education ng Pilipinas na:

"Pinaplanong ibayo pang palawakin ng Pilipinas ang kooperasyon nila ng Tsina sa edukasyon, lalong lalo na sa larangan ng higher education. Dahil maunlad ang Pilipinas sa humanities, at may bentahe naman ang Tsina sa edukasyong may kinalaman sa siyensiya't teknolohiya, may pagkokompliment sa isa't isa ang dalawang bansa".

Dahil sa espesyal na geographical location, napakalalim at napakatagal ng relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Lalawigang Fujian sa dakong timog silangan ng Tsina. Madalas ang pagpapalitang pang-edukasyon ng kanilang mga unibersidad at kolehiyo.

Isinalaysay ni Mao Tongwen, direktor ng tanggapan ng pandaigdig na pagpapalitan at pagtutulungan ng Xiamen University, na:

"Ang unbersidad namin ay may relasyong pangkooperasyon sa 7 paaralan sa Pilipinas na gaya ng University of the Philippines, Ateneo De Manila University at Centro Escolar University. Bukod sa pagpapalitan ng mga mag-aaral at tauhan, nagdadalawan din ang mga mataas na opisyal ng mga paaralan. Sa kasalukuyan, pinaplano naming magsagawa ng mas malawakang pakikipagpalitan sa mas maraming unbersidad at kolehiyo ng Pilipinas."

Ang Xiamen University ay isang karaniwang halimbawa lamang ng pagpapalitan sa edukasyon ng Tsina at Pilipinas. Nahaharap ang pagpapalitang ito sa mas malawak na prospek at napakagandang kinabukasan.

Nang mabanggit ang pagpapalalim ng pagpapalitang pang-edukasyon ng 2 bansa sa hinaharap, ipinalalagay ni Ramos na:

"Pinaplano naming pababain ang lebel ng gulang ng mga mag-aaral na sangkot sa pagpapalitan sa edukasyon sa mas mabatang lebel, lalong-lalo na doon mga mag-aaral sa mataas na paaralan, dahil sila ang pinakamahalagang bahagi sa lahat ng mga bansa. Bukod dito, interesado rin kami sa pagpapalitan ng mga guro. Maaaring mapataas ng mga guro ng Tsina ang kanilang kakayahan sa pagtuturo ng Ingles sa Pilipinas, samantalang mapapalalim din ng mga gurong Pilipino ang kanilang kaalaman sa wikang Tsino at kultura ng Tsina."

Ang Education Forum for Asia ay nagkakaloob ng isang plataporma para sa pagpapalitang pang-edukasyon ng mga bansang Asyano. Umaasa kaming sa malapit na hinaharap, maghahatid ito ng benepisyo sa higit na nakararaming bansa ng Asya, maging ng buong daigdig.