Idinaos noong Lunes sa Cebu, Pilipinas ang isang araw na ika-2 Summit ng Silangang Asya o EAS. Sa kanyang talumpati sa pulong, sinabi ni Premyer Wen Jiabao ng Tsina na ang pagtutulungan ng Silangang Asya ay dapat maging pagtutulungang naglalayong isakatuparan ang komong pag-unlad at kasaganaan, dapat itong magpasulong ng mapayapang pakikipamuhayan ng mga bansa sa rehiyon at dapat din itong maggalang sa pagkakaiba-iba ng sistemang panlipunan, kultura at paraan ng pag-unlad ng iba't ibang bansa. Ipinahayag din ng premyer Tsino na ang pag-unlad ay ang pinakapangunahing tungkulin ng Tsina at patuloy na palalawakin ng kanyang bansa ang pakikipagkalakalan, pamumuhunan at tulong sa iba pang mga bansang Asyano para ibayo pang pagsamahin ang kanilang interes. Nang mabanggit ang larangan ng enerhiya, tinukoy ni Wen na ang paglutas sa energy safety ay nangangailangan ng pagtatatag at pagpapatupad ng bagong konsepto ng enerhiya ng kooperasyong may-mutuwal na kapakinabangan at pag-unlad ng iba't ibang anyo. Bago ipinid ang summit, magkakasamang nilagdaan ng mga kalahok na bansang gaya ng 10 bansang Asean, Tsina, Hapon, Timog Korea, India at Australya at New Zealand ang deklarasyon ng Cebu hinggil sa energy safety ng Silangang Asya.
Dumating noong Martes ng Maynila, kabisera ng Pilipinas si premyer Wen Jiabao ng Tsina para pasimulan ang kanyang dalawang araw na opisyal na pagdalaw sa bansang ito. Sa pananatili sa Maynila, nag-usap noong Martes sina Wen at pangulong Gloria Macapagal Arroyo. Sa pag-uusap, sinabi ni Wen na sa kasalukuyan, lumalalim na lumalalim ang relasyong Sino-ASEAN, at ipinagkaloob nito ang mas malawak na espasyo para sa pagpapaunlad ng relasyong Sino-Pilipino. Anya, kasabay ng ibayo pang paglalim ng kanilang bilateral na kooperasyon sa iba't ibang lalarangan, umaasa ang pamahalaang Tsino na mahigpit na makapagkokoordina sila ng Pilipinas para mapasulong ang proseso ng pagpapaunlad ng relasyong Sino-ASEAN at kooperasyon ng silangang Asya upang makapagbigay-ambag sa pangangalaga sa kapayapaan, katatagan, kasaganaan ng rehiyong ito. Ipinahayag naman ni pangulong Arroyo na itinituring ng Pilipinas ang Tsina bilang pangunahing cooperative partner at nakahandang magsikap para mapalawak ang saklaw ng bilateral kabuhaya't kalakalan at pamumuhunan at kooperasyon. Aniya pa, nakahanda ang kanyang bansa na ibayong pang makipagkooperasyon sa Tsina sa magkasamang paggalugad ng South China Sea. Pagkaraan ng pag-uusap, magkasamang lumahok ang mga lider ng dalawang panig sa seremonya ng paglalagda sa mga kasunduang pangkooperasyon sa kabuhaya't kalakalan, kultura, pananalapi at iba pang larangan.
Magkahiwalay na kinatagpo rin noong Miyerkules ni Wen sina pangulong Manuel Villar ng mataas na kapulungan at ispiker Jose de Venecia ng mababang kapulungan ng Pilipinas. Sa mga pagtatagpo, ipinahayag ni premyer Wen na mabunga ang kanyang pagdalaw sa Pilipinas. Narating ng kapuwa panig ang maraming bagong komong palagay hinggil sa pagpapalawak at pagpapalalim ng bilateral na kooperasyon, at buong pagkakaisang ipinasiya nilang pabilisin ang pagtatakda ng plano ng magkasamang aksyon ng estratehikong kooperasyon ng Tsina at Pilipinas para maipaplano nang mas mabuti ang pangmalayuang kooperasyon ng dalawang bansa. Anya, pabubutihin ng panig Tsino, kasama ng panig Pilipino, ang pagtitiwalaan, palalakasin ang kooperasyon at pasusulungin ang walang humpay na pag-unlad ng relasyon ng 2 bansa. Nang araw ring iyon, ipinahayag rin ng dalawang bansa sa kanilang magkasanib na pahayag na kapuwa ikinasisiya ng mga lider ng dalawang panig ang mga progreso na natamo nila sa pagtutulungan at pagdiyalogo sa larangan ng pulitika, seguridad, kabuhayan at iba pa. Ang relasyong Sino-Pilipino ay nasa pinakamagandang yugto ngayon. Sinang-ayunan ng mga lider na ibayo pang papalalaim ang kanilang estratehikong partnership na naglalayong kapayapaan at kaunlaran.
Pagkatapos ng opisyal na pagdalaw ni premyer Wen Jiabao ng Tsina sa Pilipinas, nagpalabas ang 2 bansa ng magkasanib na pahayag. Sinabi ng pahayag na ikinasisiya ng mga lider ng dalawang panig ang mga progreso na natamo nila sa pagtutulungan at pagdidiyalogo sa larangan ng pulitika, seguridad, kabuhayan at iba pa. Ang relasyong Sino-Pilipino ay nasa pinakamagandang yugto ngayon. Sinang-ayunan ng mga lider na ibayo pang palalaimin ang kanilang estratehikong partnership na naglalayong matamo ang kapayapaan at kaunlaran. Sinang-ayunan ng 2 panig na dapat mapanatili ang pagkakaisa ng naturang komong plano at kani-kanilang estratehiya ng pagpapaunlad ng 2 bansa at proseso ng kooperasyon ng rehiyon. Ayon sa pangko ng 2 panig, mag-uunawaan at magkakatigan sila sa mga mahalagang isyu hinggil sa soberanya at sang-isahan ng teritoryo. Sinang-ayunan ng 2 panig na ibayo pang palakihin ang halaga ng bilateral na kalakalan, pabutihin ang estruktura ng kalakalan, pasulungin ang pamumuhunan sa isa't isa at aktibong palawakin ang bagong larangan ng kooperasyon. Ipinahayag ng 2 panig na nananalig silang hindi na magtatagal at sasang-ayunan ng Asean at Tsina na maisakatuparan ang "deklarasyon ng aksyon ng iba't ibang panig sa timog dagat" na nilagdaan noong 2002 sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon at proyekto at magsisikap para mabalangkas ang "istandard ng aksyon sa timog dagat".
Ipinahayag noong Martes ni ministrong panlabas Li Zhaoxing ng Tsina na marami ang mga bilateral at multilateral na aktibidad sa panahon ng katatapos na biyahe ni premyer Wen Jiabao sa Pilipinas at pragmatiko, epektibo at mabunga ang biyaheng ito. Ipinahayag ni Li na ang biyaheng ito ni Wen ay naglalayong pasulungin ang kooperasyon ng Silangang Asya, pasulungin ang kooperasyon ng Tsina, Hapon at Timog Korea, panatilihin ang mainam na tunguhin ng pagpapabuti at pagpapaunlad sa relasyon sa may kinalamang bansa at pasulungin ang estratehikong relasyong pangkooperasyon ng Tsina at Pilipinas. Anya, sa panahon ng biyahe, lumahok si Wen sa 33 aktibidad at nasaksihan ang paglagda sa mahigit 10 kasunduan at ang mga ito ay mahalaga para sa ibayo pang paglikha ng kapaligirang nakapaligid na may kapayapaan, pagkakaibigan at pagtutulungan.
|