• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-01-22 18:33:09    
Industriya ng paggawa sa Hilaga-Silangang Tsina, mabilis na umuunlad

CRI
Nitong dalawang taong nakalipas sapul nang pairalin ng Pamahalaang Tsino ang estratehiya ng pagpapasigla ng kabuhayan ng Hilaga-Silangang rehiyon--matandang baseng industriyal ng bansa, mabilis nang sumulong ang ekonomiyang lokal, lalung lalo na ang industriya ng paggawa o manufacturing industry.

Bilang pinakamatandang base ng heavy industry ng Tsina, ang industriya ng paggawa sa Hilaga-Silangan ng bansa ay gumaganap ng mahalagang papel sa pambansang kabuhayan noong araw. Pero, sa iba't ibang kadahilanan, naging atrasado ang pag-unlad ng rehiyon sapul noong katapusan ng 1970s. Kaugnay nito, inanalisa ni Zhang Guobao, Direktor ng Tanggapan ng Konseho ng Estado sa Pagpapasigla sa Hilaga-Silangang Tsina, na: "Kumpara sa mga bukas na lunsod sa baybaying-dagat sa dakong timog ng bansa, malalimang naapektuhan ng planned economy ang baseng industriyal sa Hilaga-Silangang Tsina at dahil dito, iisa ang estruktura ng industriya at gayundin ang ownership, ibig sabihin, higit na malaki ang proporsyon ng kabuhayang ari ng estado sa kabuhayan ng rehiyon."

Noong 1990s, maraming bahay-kalakal sa rehiyon ang bumagsak. Upang mabago ang ganitong kalagayan, noong taong 2004, sinimulang pairalin ng Pamahalaang Tsino ang estratehiya ng muling pagpapaunlad ng kabuhayan ng dakong Hilaga-Silangan ng bansa at noong taon ring iyon, nabuo ang nabanggit na tanggapan. Salamat sa nasabing patakaran, talagang nagbabago ang rehiyon. Kaugnay nito, sinabi ni Zhang, direktor ng naturang tanggapan na:

"Sa palagay ko, ang pinakamalaking pagbabago ay ang muling pagkakaroon ng mga manggagawa rito ng kanilang pananalig sa pagpapaunlad ng kabuhayang lokal. Bukod dito, nagkaroon din ng pundamental na pagbabago sa inobasyon sa mekanismo ng rehiyon."

Salamat sa pagsisikap ng iba't ibang panig, noong isang taon, umabot sa 12.3% ang bahagdan ng paglaki ng GDP ng rehiyon na 2.8% na mas mataas kumpara sa karaniwang lebel ng bansa. Samantala, lumaki ng 89.5% ang FDI, direktang pamumuhunang dayuhan.

Sa ilalim ng nasabing pambansang estratehiya, binibigyan din ng walang-katulad na pagpapahalaga ang industriya ng paggawa ng rehiyon. Salamat sa inobasyon at pagkatig ng pamahalaan, mabilis na umuunlad ang industriya. Idinaos kamakailan sa Shenyang, punong lunsod ng Liaoning, isa sa tatlong lalawigan sa dakong Hilaga-Silangang Tsina, ang Pandaigdig na Perya ng Industriy ng Paggawa, kung saan nakatanghal ang mga bagong kinauukulang produkto na tulad ng makinaryang de koryente, machine tool, lokomotor, transformer at gayundin ng robot na maaaring magsabi sa may-ari kung ano ang nangyayari sa kaniyang bahay sa pamamagitan ng pagpapada ng SMS.

Kaugnay ng kanyang impresyon sa peryang ito, sinabi ni Direktor Zhang na:

"Nang bumisita ako sa perya, natuklasan kong ito ay kahanga-hanga. Sa pamamagitan ng pagdalaw rito, malalaman ang hinggil sa pinakahuling produkto ng industriya ng paggawa ng Tsina."

Ipinahayag naman ni Song Qi, Pangalawang Alkalde ng Shenyang, na ang layon ng pagtataguyod ng ganitong perya ay ibayo pang pasulungin ang mabilis at patuloy na pag-unlad ng industriya ng paggawa ng rehiyong Hilaga-Silangan ng bansa. Sinabi pa niya na: "Maraming numero unong bahay-kalakal sa loob ng bansa na may dalang pinakasulong na produkto ang nagtitipun-tipon sa peryang ito. Ito ay nagsisilbing pangunahing plataporma sa pagitan ng pamilihang panloob at panlabas. Salamat dito, nakikita namin ang agwat namin at mga katulad na bahay-kalakal na dayuhan at sa gayon, makakatulong ito sa mga bahay-kalakal na Tsino na magsagawa ng episyenteng hakbangin para makahabol sa mga counterpart na dayuhan."