• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-01-22 18:35:27    
Tagapakinig: paano ang mungkahi hinggi sa Oliympic hotline?

CRI
Hello kayo diyan. Ito si R-A-M-O-N at welcome sa episode sa araw na ito ng Gabi ng Musika.

Pambungad na bilang, version ni Barry Manilow ng awiting "It's All in a Game" na hindi na lingid sa inyo ay pinasikat ni Nat King Cole. Iyan ay hango sa album ni Barry na pinamagatang "Ultimate".

Kayo ay nakikinig sa China Radio International at sa programang Gabi ng Musika ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr. ang inyong loving DJ.

Sa ating pagpapatuloy narito naman ang Bee Gees sa Kanilang awiting "Massachussetts".

"Massachussetts", sa pag-awit ng The Bee Gees. Iyan ay lifted sa kanilang album na pinamagatang "The Bee Gees Story".

Matanong ko nga kayo. Kayo ba e minsan umibig at nasaktan? Kung gayon, pakinggan ninyo ang SMS mula sa 917 402 1294.

"Ang sarap magmahal, ano? Kahit minsan nasasaktan ka, OK lang. Kahit minsan binabalewala ka, di bale na lang. Kahit minsan nagiging tanga ka, ayos lang. Di mo naman kasalanan iyon, di ba? Kasi nagmahal ka lang!"

Salamat sa iyo, 917 402 1294.

Natatandaan pa ba ninyo ang tinig na iyan? Tinig ni Liang Jing Ru sa awiting "Flower In Green" na buhat sa collective album na pinamagatang "Listen, Sing or Join Us Anyway You Can". Ang haba, ah. Parang kasing haba na rin nito.

Nagpadala ng mahabang SMS si Let Let Alunan ng Germany. Heto, pakinggan ninyo.

"Kuya Ramon, kung nangangailangan kayo ng volunteer para sa Beijing Olympics at Paralympics, kontakin ninyo ako. Dating atleta ako sa PLM at sumasabak sa palarong pambansa. Nagtuturo ako dati ng computer science sa AMA at nakakapagsalita ng German. Sana makatulong ako sa inyo. May magagawa ba ako para sa iyong Olympic hotline?"

Thank you so much, Let Let. Mainit naming tatanggapin ang anumang tulong na maipagkakaloob mo sa aming Olympic hotline.

Si Let Let Alunan ay dating pangulo ng CRI Filipino Listener's Club.

Iyan naman ang Carpenters sa kanilang awiting "Those Good Old Dreams" na lifted sa kanilang "Greatest Hits" album.

Tingnan naman natin kung ano ang sinasabi ng SMS mula sa 918 690 8164.

"Sa buhay di ka bibigyan ni God ng taong gusto mo. Ang ibibigay niya iyung taong kailangan mo, iyung magtuturo sa iyo kung paano masaktan at kung paanong magmahal-para maging ikaw ang dapat na ikaw."

Thank you, 918 690 8164.

At iyan ang kabubuan ng ating pagtatanghal ngayong gabi.

Itong muli si Ramon Jr. Maraming maraming salamat sa inyong walang sawang pakikinig.