• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-01-25 19:30:13    
Trandisyonal na medisinang Tsino at Tong Ren Tang

CRI
Ang Tong Ren Tang ng Beijing, nangungunang prodyuser ng tradisyonal na medisinang Tsino na may mahigit sa 330 taong kasaysayan, ay nagbabalak na pumasok sa mga pamilihan sa ibayong dagat. Ang aksiyong ito ay resulta ng pagpasok ng Tsina sa World Trade Organization, WTO.

Nagpaplano ang Tong Ren Tang na magtayo ng 30 joint ventures at 100 parmasya sa ibayong dagat hanggang sa taong 2005.

Lumagda na ito kamakailan sa mga kasunduang pangkooperasyon sa mga kampanya ng Malaysia, Kanada, Indonesia at Timog Korea at magbubukas ito ng Tong Ren Tang Pharacies sa mga nasabing bansa sa taong ito.

Sa ksalukuyan, ang Tong Ren Tang ay may limang joint-venture companies sa ibayong dagat na nangangasiwa sa pagbebenta sa lokalidad at mayroon ding ilang parmasya sa Hongkong Special Administrative Region, Britanya, Estados Unidos, Australya at Tayland.

Ang parmasya sa Tayland na nagsinula ng trial operation noong Pebrero ng nakaraang taon ay tinatanggap ng mga Tsino sa Timog Silangang Asya at nagsimula nang magkaroon ng pakinabang.

Ang malakas na negosyo sa ibayong dagat ay nakatulong sa kompanya para maragdagan ng mahigit sa 10 milyong US dollars ang kitang panlabas nito noong nakaraang taon kumpara sa 1.9 milyong US dollars noong 1993 nang magsimula itong makipagkalakalan sa ibayong dagat at magtayo ng unang joint-venture sa Hongkong.

Layon ng Tong Ren Tang na hanggang sa taong 2005 ay gawing 500 milyong yuan RMB (katumbas ng 60.4 milyong US dollars) ang halaga ng sales volume ng mga produktong panluwas nito at paabutin sa 60 milyong US dollars ang kitang panlabas nito na may taunang pagtaas na 46.8%.

Karamihan sa nananatiling kooperasyon ng Tong Ren Tang sa mga kompanya sa ibayong dagat sa kasalukuyan ay may kinalaman sa pagkakalakalan. Pero isinasaalang-alang nito ngayon na ilipat ang diin sa manufacturing sector.

Magsisimula muna ito sa packing sa ilang area at pagkatapos ay hakbang-hakbang na aalamin nito ang paglo-localize ng produksyon sa loob ng dalawa hanggang tatlong taon. Ito ang pinakamadaling paraan ng pagbubukas ng pamilihan sa ibayong dagat.

Ayon sa State Drug Administration, ang pandaigdig na sales volume na halamang-gamot ay kasingtaas ng 30 bilyong US dollars na tumataas ng 10% taun-taon. Samantala ang mga produkto ng Tsina ay umaabot lamang sa 3 hanggang 5% at ang 80% ng tradisyonal na medisinang Tsino na ikinakalakal sa pamilihang pandaigdig ay mga hilaw na material.