• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-01-26 09:58:32    
Tsina, nagbibigay-diin sa inobasyong pangkultura

CRI
Nitong ilang taong nakalipas, nagtamo ng malaking bunga ang pag-unlad ng industriyang pangkultura ng Tsina, at sinimulang magpasigla ang ilang proyektong pangkultura sa pag-unlad ng may kinalamang industriya ng buong rehiyon. Halimbawa sa Lalawigang Yunnan, nagkakaroon ito ng mayamang katutubong kultura ng mga nasyonalidad, sa pamamagitan ng paglalakbay-suri sa pamumuhay ng mga residente sa lokalidad, nilikha ni Yang Liping, isang bantog na mananayaw sa daigdig, ang isang malaking awitin at sayaw na pinamatagang "imagination of Yunnan", at sapul noong taong 2004, maraming itinanghal ito sa iba't ibang purok ng buong bansa at daigdig. Nakapagpasigla rin ang proyektong ito sa pag-unlad ng buong industriyang pangkultura ng Yunnan. Ang Lalawigang Guizhou, isa pang Lalawigang may mayamang katutubong kultura ng nasyonalidad, ay umaasang mag-aaral ng karanasan ng Yunnan. Sa naturang simposyum, sinabi ni Wang Fuyv, isang mataas na opisyal ng Lalawigang Guizhou na:

"Ang Guizhou ay isang Lalawigang may maraming nasyonalidad, at mayaman ang katutubong kultura ng nasyonalidad. 17 pambansang minoriya ay naninirahan sa Lalawigang ito, at ang mga ito ay may malaking halagang pangkultura."

Ipinalalagay din ng mga kalahok na eksperto na ang pagpapaunlad ng industriyang pangkultura ay nangangailangan din ng mga may kinalamang talento, at may responsibilidad ang mga unibersidad sa aspektong ito. Ipinalalagay ni Xiang Yong, Pangalawang Puno ng Instituto ng Pananaliksik sa Industriyang Pangkultura ng Beijing University na ang pagsasanay sa mga opisyal na namamahala sa suliraning pangkultura ay may mahalagang katuturan para sa pag-unlad ng industriyang ito. Sinabi niya na:

"Sa kuro ng pagpaplano, unang bagay na dapat namin gawin ay ang pagsasanay. Umaasa kaming magkakaroon ang mga namamahalang departamento at mga pangunahing puno ng isang tumpak na ideya sa industriyang pangkultura."

Ipinalalagay din ni propesor Chen Shaofeng na ilang buwan na ang nakararaan, nagpalabas ang Pamahalaang Tsino ng programa hinggil sa pagpapaunlad ng kultura sa loob ng darating na limang taon, at binigyang-diin nitong pabibilisin ang pag-unlad ng industriyang pangkultura. Nananalig aniya siyang sa loob ng darating na ilang taon, magiging mas malusog at mabilis ang pag-unlad ng industriyang pangkultura ng Tsina.