• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-01-29 10:28:55    
Mini-finance, episyente sa pagtulong sa mga mahirap

CRI
Ang mini-finance ay isang uri ng pautang na sadyang inilalaan para doon sa mga namamasukang mababa ang kita at ang nakaisip nito ay si Muhammad Yunus, isang Bangladeshi banker na tumanggap ng Nobel prize ngayong taon. Noong 1993, sinimulang isagawa ng Pamahalaang Tsino ang pilot project hinggil dito sa ilang lugar para matulungan ang mga mahirap.

Gawin nating halimbawa ang Panxian, isang county sa Lalawigang Guizhou sa dakong timog-kanluran ng bansa. Sinimulang pairalin ang mini-finance sa county na ito noong 1998 at salamat sa pautang na ito, hanggang sa kasalukuyan, nabawasan na hanggang sa 100 libo ang bilang ng mga mahirap kumpara sa bilang noong unang dako ng 1998 na mahigit 200 libo.

Sinabi ni Wang Guohua, puno ng Hei Shengdi, isang nayon sa Panxian County, na nag-aalaga ang kanyang nayon ng mga baka sa pamamagitan ng mini-finance at salamat dito, nakahulagpos ito sa kahirapan. Sinabi pa niya na:

"Noong 2001, nagtatag kami ng bakahan. Bago ito, umabot lamang sa 1000 Yuan RMB o 125 dolyares ang karaniwang taunang kita per capita ng nayon, pero, pagkatapos ng limang taong pag-unlad, hanggang sa kasalukuyan, 4 na bakahan ang naitayo at umaabot na sa 1800 Yuan RMB o 225 dolyares ang karaniwang taunang kita per capita sa aspekto ng pag-aalaga ng baka lamang."

Si Hu Wenzheng ay isa sa mga taganayon na yumayaman sa pamamagitan ng pag-aalaga ng baka. Sa kasalukuyan, kumikita siya ng 8000 Yuan RMB o 1000 dolyares bawat taon sa pamamagitan lamang ng pag-aalaga ng baka. Tuwang-tuwang sinabi niya sa mamamahayag ang hinggil sa kanyang plano ng pagtatayo ng bagong bahay.

"Luma na ang aking bahay at nakahanda akong magtayo ng isa pa na may dalawang palapag at 210 metro kuwadrado ang saklaw. Nakakatulong ang mini-finance sa pagdaragdag ng kita ng mga magsasaka."

Bukod dito, halos lahat ng mga pamilya ay nakapagtayo na ng biogas pit at gumagamit ng malinis na enerhiyang ito sa pagluluto at sa pagpapasindi ng ilaw. Kusang-loob na gumawa na rin ang mga taganayon ng isang lansangan na patungo sa labas.

Kasabay nito, sa pagsusuperbisa sa paggamit ng pautang ng mga magsasaka, napataas din ang kakayahan sa pangangasiwa ng Pamahalaang lokal. Kaugnay nito, sinabi ni Chen Chuntao, opisyal sa publisidad ng county na:

"Malaki ang ipinagkakaloob na mini-finance ng aming county na ang pinakamaraming taunang pautang ay lampas sa 100 milyong Yuan o 12.5 milyong dolyares. Dapat maging mahusay ang pangangasiwa ng county para maigarantiya ang napapanahong pagbabayad ng utang ng mga taganayon. Kung magkakagayon, atsaka lamang magiging handa ang mga bangko na magpautang sa mga magsasaka at saka lamang, makikinabang sila."

Salamat sa episyenteng pangangasiwa ng county, noong taong 2002, ang Panxian County ay tinaguriang huwaran ng Lalawigang Guizhou sa pagtulong sa mga mahirap sa pamamagitan ng mini-finance.

Salamat sa mini-finance, hindi lamang nakakahulagpos sa kahirapan ang mga magsasaka, nagbabago rin ang kanilang paraan ng pag-iisip. Malalimang napupukaw rito si Luo Zixiang, Puno ng Panxian County. Sinabi pa niya na:

"Nakakaimpluwensiya rin sa ideolohiya ng mga magsasaka ang mini-finance. Napagtatanto nilang kapag masipag sila at may kredibilidad, maaari silang magpaunlad ng sarili sa pamamagitan ng paghiram ng salapi mula sa bangko at sa prosesong ito, dapat silang palagiang magpanatili ng kanilang kredibilidad, kung hindi, hindi sila makakakuha ng pautang sa hinaharap. Ipinakikita nitong nagbabago na ang ideolohiya ng mga magsasaka sa market economy mula sa tradisyonal na self-sufficient na kabuhayan."