Mga Sangkap
Ang pangunahing sangkap ay laman ng karpa at ang mga pantulong na sangkap ay Winter bamboo, kabute at hamon.
Paraan ng Pagluluto
Una, alisan ng tinik ang isda. Ilagay sa sangkalan nang nakaharap sa inyo ang laman. Hiwain sa sukat na 30 milimetro ang haba at 6 na milimetro ang lapad. Ilagay sa mangkok at pahiran ng pinaghalong puti ng itlog, asin, betsin at cornstarch. Itabi para mamaya.
Hugasan ang hamon at pakuluan. Hiwain nang pahaba at makitid ang Winter bamboo, hamon, kabute at scallions. Sa habang 30 milimbetro. Ilagay ang mga putol ng isda sa sangkalan at sa pagkakataong ito. Nakaharap sa inyo ang balat. Ilagay ang mga hiniwang Winter bamboo, hamon, kabute at scallions sa ibabaw bago I-roll. I-ayos sa plato, lagyan ng koting mantika at pasingawan sa loob ng 5 minuto. I-ayos ang pinasingawang rolls sa plato.
Painitin ang kawa, lagyan ng mantika, asin, betsin at tubig. Pakuluin at lagyan ng cornstarch at hintayin hanggang maging malapot na sarsa. Ibuhos ang sarsa sa fish rolls.
|