• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-02-01 18:46:54    
Ang pagbabago ng kalagayang residensiyal

CRI

Ang lalawigang Liao'ning sa hilagang silangang Tsina ay isang lumang baseng industriyal ng Tsina. Dati, para malutas ang isyu ng tirahan ng mga manggagawa, itinatag ng pamahalaang lokal ang maraming pansamantalang bahay. Ngunit, dahil sa ilang dahilang pangkasaysyan at pangkabuhayan, sa kasalukuyan, maraming manggagawa ang naninirahan pa rin sa nasabing mga pansamantalang bahay. Simula noong 2005, sinimulang buong lakas na baguhin ng lalawigang Liao'ning ang nasabing mga bahay. Maraming residente ang lumipat sa bagong bahay. 

"Nang lumipat kami noon sa bagong bahay, napaluha ako dahil sa masyadong nakaaantig ang damdamin. Hindi kailaman'y ipinalalagay kong maari kaming tumira sa ganitong magandang bahay."

Ang babaeng ito ay si Li Zhengchun galing sa lunsod ng Fu Shun ng lalawigang Liao'ning. Lumipat siya kamakailan sa bagong bahay mula sa kaniyang dating shabby home at naging isa sa mga taong nakinabang sa proyekto ng pagbabago sa mga pansamantalang bahay. Sinabi ni Li sa mamamahayag na masama ang kondisyon ng kaniyang dating bahay na puno ng bitak ang dingding at maging walang washing room. Sa lalawigang Liao'ning, napakaraming tao ang may gayong karanasan tulad ni Li. Halimbawa, sa Fushun, hanggang noong katapusan ng 2004, mga 70 libong pamilya ang naninirahan pa rin sa gayong mga lumang pansamantalang bahay. Dahil mahaba ang kasaysayan at sirang sira ang kondisyon ng mga lumang bahay, mahirap na mahirap ang gawain para sa pagbabago nito. Noong unang dako ng taong 2005, nag-laan ang lalawigang Liao'ning ng mahigit 3 bilyong Yuan RMB para pasimulan ang proyekto ng pagbabago. At iba pang mahigit 10 bilyong Yuan na pondo ang nakanhada para sa proyektong ito sa pamamagitan ng subsidy na pampamahalaan, pautang ng bangko, patakaran ng pagbabawas ng buwis at iba pa.

Sinabi ni Li Keqiang, namamahalang tauhan ng lalawigang Liao'ning, na:

"Ang lahat ng mga naninirahan sa mga rehiyon ng lumanag bahay ay matatandang minero. Gumawa minsan sila ng malaking ambag para sa konstruksyon ng bansa. Sa kasalukuyan, dapat lutasin namin ang isyu ng kanilang tinirahan para tunay na makinabang sila sa mga natamong resulta sa takbo ng muling pagpapaunlad ng lumang baseng industriyal."

Pagkaraan ng 7 buwan, natapos ang konstruksyon ng unang grupo ng mga bahay sa ilalim ng proyekto ng pagbabago ng mga lumang bahay ng Fu Shun. At sa gayo'y nagpaalam na ang maraming residente sa mga lumang bahay at lumipat sa maluwang at maliwanag na bagong bahay. Sinabi ni Yuan Huaxing, isang matandang minero na natupad ang hangarin sa buong buhay nila. Sinabi niyang:

"Sa araw ng paglilipat, nagpaputok kami ng maraming rebentador. Gayong lamang maaantig kami na hindi ko napigilan ang luha. Salamat sa pamahalaan, maaari kaming tumira sa gayong gandang bahay at nakapag-enjoy ako ng pamumuhay sa huling bahagi ng buhay ko."

Ang tagumpay ng Fushun sa pagbabago ng bahay ay isang halimbawa lamang sa buong lalawigang Liao'ning. Sa iba pang lunsod na gaya ng Shenyang, Dandong, Yingkou at Benxi, matagumapy din ang ganitong proyekto.

Ang pagbabago ng komunidad ng Caibei ng rehiyong Xi'hu ng lunsod ng Benxi ay pinamalaking proyekto ng pagbabago ng lumang bahay ng lalawigang Liao'ning. Nang kapanayamin ng aming mamamahayg doon, ang pamilya ni Zhao Guirong ay naghandog ng isang family party para sa pagdiriwang sa paglilipat ng bahay. Sinabi ni Zhao na:

"Ang lahat ng mga kasapi ng pamilay ko, anak na babe, anak na lalaki at kanilang asawa, ay umuwi at naggawa kami ng Chinese dumplings para sa pagdiriwang sa pangyayaring ito."

Ang nabanggit na mga tao ay ilan lamang sa lahat ng mga taong nakikinabang sa proyetong ito. Noong 2005, 100 libong pamilya sa Liao'ning ang nagkaroon ng kanilang bagong bahay. At ang magandang tunguhing ito ay nagpatuloy noong isang tao na may 15 libo at mayroon sariling nilang bagong bahay.