• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-02-05 19:04:51    
Tsina, buong sikap na dinaragdagan ang trabaho

CRI
Bilang isang bansang na may pinakamalaking populasyon sa daigdig, ang isyu ng hanap-buhay ay palagiang pinahahalagahan ng Pamahalaang Tsino at walang-humpay na nagsumisikap ito para maragdagan ang mga trabaho.

Si Li Muhan ay isang senior student ng Beijing Language and Culture University. Nagpadala siya kamakailan ng kanyang job application sa www.job9151.com, isang website na nasa pagtataguyod ng mga kinauukulang kagawaran ng Pamahalaang Tsino para matulungan ang mga magtatapos na magkaroon ng hanap-buhay pagka-gradweyt. Napakasuwerte ni Li, nakatanggap agad siya ng sagot pagkaraan lamang ng isang linggo. Sinabi niya na:

"Noong araw, nahihirapan kaming magharap ng aming aplikasyon sa iba't ibang kompanya, pero, sa kasalukuyan, salamat sa www.job9151.com, wala kaming dapat gawin kundi maglog-in lamang sa website na ito at nagpadala ng aplikasyon sa pamamagitan ng internet. Napakakombinyente nito!"

Napag-alamang ang nasabing website ay nasa pagtataguyod ng limang pambansang kagawaran na tulad ng National Development and Reform Commission, Ministri ng Edukasyon at Ministri ng Labour at Social Security. Ang layunin nito ay pahupain ang presyur sa hanap-buhay na dulot ng tumataas na bilang ng mga nagtatapos sa pamantasan at kolehiyo. Sa taong ito, tinatayang aabot sa 4.9 na milyon ang bilang ng mga magtatapos na lalaki ng 700 libo kumpara sa tinalikdang taon.

Sinabi ni Yin Jiankun, opisyal ng Ministri ng Labour at Social Security, na maraming isinasagawang hakbangin ang Pamahalaang Tsino para matulungan ang mga magtatapos na makakita agad ng trabaho. Sinabi niya na:

"Halimbawa, bago pa mang magtapos ang mga estudyante, tumutulong na sa kanila ang kanilang pamantasan at kolehiyo sa pamamagitan ng pagrerekomenda ng trabaho. Ang mga kinauukulang kagawaran ay nagbubukas din ng espesyal na job fair. Bukod dito, bilang tugon sa kakulangan sa work experience ng mga bagong gradweyt, itinatag na ng Pamahalaang Tsino ang practicum base sa ilang bahay-kalakal."

Bukod sa kahirapan sa paghahanap-buhay ng mga bagong gradweyt, namumukod din ang hanap-buhay ng mga migrant workers. Noong taong 2005, lampas sa 125 milyon ang bilang ng mga magsasakang Tsino na nagtatrabaho sa mga lunsod.

Upang matulungan ang naturang mga lakas-manggagawa, itinatag na sa iba't ibang lunsod ang mekanismo ng regular na pagsasapubliko ng mga job opportunity at gayundin ng pagtataguyod ng mga job fair.

Kaugnay ng pagpapalakas ng kasanayan ng mga migrant workers, isinalaysay ng opisyal Tsino na:

"Noong isang taon, sinimulang pairalin ng Tsina ang isang plano rito. Batay rito, mula 2006 hanggang 2010, nagsasanay ang Pamahalaang Tsino ng 8 milyong migrant workers bawat taon."

Si Ma Dong ay isang 19-taong-gulang na binata na taga-Henan, Lalawigan sa Sentral Tsina. Noong huling dako ng nagdaang taon, pumaroon siya sa Suzhou, isang lunsod sa dakong silangan ng bansa at nagsimulang magtrabaho sa isang bahay-kalakal na nagpoprodyus ng communication equipment. Pagkapasok, nakatanggap siya ng libreng pagsasanay. Sinabi niya na: "Pagkaraang pumasok ako, binigyan ako ng limang-araw na kurso hinggil sa kompanya at mga kinauukulang regulasyon. Pagkatapos, tinuruan ako kung paanong magpaandar ng mga makina sa assembly line."

Kasabay nito, aktibo rin ang Pamahalaang Tsino sa pagbibigay-tulong sa mga laid-off workers para muling magkatrabaho. Halimbawa, pinagkakalooban sila ng microcredit; binabawasan o binabalewala rin ng pamahalaan ang buwis ng mga laid-off o ng mga bahay-kalakal na nangangalap ng mga ganitong trabahador; at dinaragdagan din ng pamahalaan ang mga trabaho para sa kanila.

Ayon sa plano, noong isang taon, dapat maisakatuparan ng Pamahalaang Tsino ang target na lumikha ng 9 na milyong bagong trabaho sa mga lunsod at muling magkatrabaho ang 5 milyong laid-off workers at nang sa gayon, makontrol sa loob ng 4.6% ang bahagdan ng rehistradong unemployment rate ng mga lunsod. Hanggang katapusan ng nagdaang Nobymbre, naisakatuparan na ang ilan sa naturang mga target.