Ang long-distance voice natin ay mula sa Bajac-bajac, Olongapo City. Tinig ni Ogie Magtanghal, isang veteran listener ng CRI Filipino Service. Wala pa itong Dear Seksiyong Filipino, Alam Ba Ninyo, Cooking Show, ang Tsina sa Matang Banyaga at Gabi ng Musika, nakikinig na siya sa pagsasahimpapawid ng Serbisyong Filipino. Malakas ang loob kong sabihin na si Ogie ay isang best friend ng Serbisyong Filipino at masugid na tagapagtaguyon ng aming serbisyo.
Hindi naitago ni ogie ang kanyang kasiyahan nang kapanayamin sa telepono ng iyong lingkod.
Sabi ni ogie, maraming bagay siyang siyang hinahangaan sa Chinese. Ang isa sa mga ito ay ang kanilang pagiging makabayan, at ang isa pa ay ang kanilang kagandahang magkaisa lalo na kung kapakanan ng bansa ang nakataya. Sabi niya, itong dalawang bagay na ito marahil ang dahilan ng kanilang tagumpay...
Tulad din naman ng karamihan sa mga tagapakinig ng serbisyong filipino, malakas ang mga tagapakinig ng Serbisyong Filipino, malakas ang kompiyansa si Ogie na magtatagumpay ang Beijing Olympics sa 2008 dahil na rin sa pagtutulungan ng lahat ng mamamayan...
Iyan narinig ninyo ang ating malayong tinig para sa episode na ito ng DSF. Bago tayo dumako sa letter-reading portion, tunghayan muna natin ang isang sms mula sa ating textmates.
Mula sa 9218423301: "maligayang bati kuya ramon, lahat ng program mo pinakikinggan ko ay may appeal sa akin. Lahat ay mga paborito ko. Isa ako sa mga magki-care sa iyo." at mula naman sa 9100876643: "gandang gabi ng musika, kuyang. Nami-miss ko na ang iyong lutong Tsino. Patikimin mo naman kami ng bagong putahe."
Oras na naman para sa pagbabasa ng Lihm ng Tagapakinig dito sa Dear Seksiyong Filipino.
Ang liham na bibigyang-daan natin ay padala ni Naila Feria ng San Juan, MM.
Sabi ng kanyang liham:
Dear filipino service,
Happy Valentine's Day!
What are you saying na hindi kayo nakapag-prepare ng Christmas Special. Galing ako sa atimonan last week of December. Sabi ng avid listener ninyo doon maganda naman ang preparation ni Ramon Jr. Short and simple nga lang daw but nice. Maganda daw ang description ng mga lugar and the music was great. They are asking how you got the sound and the music. Better ask ramon, I said.
Super-ganda ang souvenir t-shirts and album na bigay ninyo in connection with your just concluded contest. I like them so much. Marami na namang maiingit sa akin. Thanks.
Thank you din sa reading materials, particularly sa China travel. You really know the kinds of materials I go for.
You know what? Very informative ang inyong special programs. Marami akong napi-pick-upna mahahalagang info. Sana magtuloy-tuloy pa ang inyong informative at interactive programs.
I don't have a chance to listen to your music program, kasi out of town ako kung weekend. Pero I follow all your programs including Cooking Show. I'll try to write as often as I could. Ang dalas-dalas sumulat ni Ramon hindi ko naman nasasagot.
I wish you all the best.
Love and god bless, Naila Feria San Juan, MM, Phils.
Thank you so much naila sa iyong concern at sa pag-uukol mo ng panahon sa aming pagsasahimpapawid. Sana magpatuloy ka ng pagsulat at pakikinig sa amin. Thank you uli at God love you.
At diyan nagtatapos ang ating pagtatanghal ngayong gabi. Maraming salamat sa inyong pakikinig.
|