Ang Suzhou na isang maliit na lunsod malapit sa Shanghai ay lagi nang pinupuri ng mga makata sa bawat henerasyon. Ito ay tinaguriang klasikal na kagandahan, tahimik na backgarden ng Shanghai at paraiso sa ibabaw ng lupa.
Bagama't sa ngayon, ang Suzhou ay hindi kasintanyag ng Shanghai, ang lunsod na ito na may kasaysayang mahigit 2500 taon at mas mahaba kaysa sa Shanghai, ay kasiya-siya't karapat-dapat namang bisitahin.
Ang lunsod ng Suzhou ay bantog din sa masasarap na pagkain na nagmula pa sa "boat dishes" na binabanggit noong pang panahon ng Dinastiyang Tang.
Noong panahong iyon, gusto ng karamihan sa mga may kaya na idaos ang kanilang bangkete sa mga bangka para mapagmasdan nila ang magagandang tanawin habang kinasisiyahan ang masasarap na pagkain. Dahil sa maliit lamang ang kusina ng bangka, sa halip ng maraming pagkain, mga piling-piling pagkain na lang ang inihahanda.
Hanggang ngayon sinusunod pa ng Suzhou Food ang tradisyong ito at ang mga pagkaing ito ay matatamis, katamtaman ang lasa, ginagamitan ng mga sangkap na mataas ang kalidad at niluluto sa espesyal na paraan. Kilala rin ang vegetable at aquatic dishes ng Suzhou.
Dalawa ang popular na restaurant sa lunsod: ang Deyuelou Restaurant na nasa 27 Taijian lane at ang Songhelou Restaurant na nasa 141 Guanqian Street. Ang mga bagong restaurants na tulad ng Tianzhu, Xiangyun, Runji, Qinghua at Nankai ay nagsisilbi rin ng mga pagkaing mataas ang kalidad at nag-aalok din ng serbisyong maihahambing sa ilang matatandang restaurants.
Sa lunsod ng Suzhou, ang Guanqing Street na nangangahulugang lansangan sa Taoist Temple, ay isang shopping street na kung saan halos lahat ng kilalang produkto ng Suzhou ay mabibili.
Ang higit na nakatatawag ng pansin ng mga bisitang babae ay ang Suzhou Embroidery na siya namang first choice ng karamihan sa mga manlalakbay. Ang embroidery ng Suzhou, Hunan, Sichuan at Guangdong ay sinasabing ang apat na pinakatanyad na klase. Ang mga ito'y napakagandang pasalubong para sa mga miyembro ng pamilya at mga kaibigan.
Ang iba pang maaaring bilhin ay ang Biluochun Tea, mga abaniko at mga larawang pambagong-Taon. Makikita rin ang mga ito Shiquan Street.
Bukod dito, hindi rin kayo dapat umalis hangga't hindi kayo nakakabili ng mga kendi at preserved fruits na estilong Suzhou.
Ang Caizhizhai, isang candy factory sa Suzhou ay may mahigit nang sandaang taong kasaysayan. Isa na itong popular na brandname sa Suzhou. Ang yumaong Premyer Zhou Enlai ay naghandog ng ganitong kendi sa mga bisitang dayuhan sa isang pandaigdig na pulong noong 1954. mula noon, mas lalong naging matunog ang pangalang Caizhizhai Candies.
May mahigit sa 160 klaseng preserved fruits sa Suzhou, kabilang dito ang jujubes, red bayberries, apricot at loquat. Ang mga preserved fruits na ito ay ibinibigay bilang tribute sa Dinastiyang Qing (AD 1644-1911). Sa ngayon, kasisiyahan ninuman ang mga paagkaing ito.
|