• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-02-08 10:23:19    
Mga alamat hinggil sa Jiuzhaigou: Wonuosemo

CRI
Bukod sa likas na kariktan ng kapatagan, ang isa pang tiyak na mag-iiwan sa inyo ng malalim na impresyon ay ang tamang pamamahala at ang pagpapahalaga ng mga tauhang nangangalaga sa kapaligiran.

Sa lambak na ito, wala kayong makikitang bata na gagawa ng kalokohang manghuli ng isda at wala rin kayong makikiktang bisita na nagtatapon ng basura.

Kung mahuhuli kayong naninigarilyo ng tauhan na nangangalaga sa kapatagan, hindi ka nito iiwan hangga't hindi mo pinapatay ang iyong sigarilyo.

Walang direkta at malinaw na paliwanag kung paanong nabuo ang mga lawa sa Jiuzhaigou, datapuwa't nagkakasundo ang karamihan sa mga geologist na ang mga ito'y mga barrier lake na nilikha ng mga dike ng naipong calcium carbonate na tinangay ng agos pababa sa bundok.

Ayon naman sa alamat na Tibetano, ang mga lawa daw sa kapatagan ay mga basag na kristal mula sa salamin ni Diyosa Wonuosemo.

Maraming Tibetano ang naniniwalang noong unang panahon, ang Jiuzhaigou ay dumanas ng napakalaking kapahamakan kung kaya't gumuho ang mga kabundukan nito, nalanta ang mga punong-kahoy at bulaklak at lumikas ang mga naninirahan.

Ipinasiya nina diyosa Wonuosemo at diyos Dage na panumbalikin ang dating kaluwalhatian ng kapatagan at lumikha sila ng milagro mula sa kanilang tinitirhang bundok.

Muling dumaloy ang mga ilog, lumago ang kagubatan, bumalik sa pugad ang mga ibon at nagsibalik ang taumbayan sa pinabayaang mga nayon.

Sa wakas umibig sina Wonuomeso at Dage sa isa't isa at nabuhay sa makalangit na kaligayahan pagkaraang mabigo ang pagtatangkang sila ay paghiwalayin.

Pagkaraan ng pag-iisang-dibdib, nagpalitan ang magsing-irog ng mga regalo bilang tanda ng kanilang pagmamahal sa isa't isa. Si Dage ay nagbigay kay Wonuosemo ng isang malinaw at kumikislap na salamin para makita ang kagandahan ng kanyang kasuyo.

Sa labis na katuwaan, lumuwag ang pagkakahawak ni Wonuosemo sa salamin at dumulas ito sa kanyang kamay.

Nabigo sila sa kahahanap rito, sa kapatagan, pero sunud-sunod naman silang nakatagpo ng malilinaw na lawa kung saan maaaninag ang salaming imahe ng mga punong-kahoy, bundok at ulap. Dagli nilang napagtanto na ang naturang mga lawa ay mga piraso ng nabasag na salamin at mula noo'y nanatili na ang mga ito sa Jiuzhaigou.