Noong huling hati ng nagdaang taon, bumisita sa Tsina ang isang grupong Swedish sakay ng isang archaized sailboat. Sa kanilang mga 4 na buwang pagdalaw sa Tsina, ang isa sa kanilang mga mahalagang biyahe ay pagdalaw sa Anhui, lupang-tinubuan ng mga antigong tsaa na dinala nila. Sa palatuntunan ngayong gabi, ipaparinig ko sa inyo ang kuwentong ito.
Noong ika-18 siglo, isang komersiyal na sailboat ng Sweden na tinawag na Goetheborg na pinakasulong na ocean sailboat sa panhong iyon ang tatalong beses na bumisita sa Tsina at inihatid nito ang mga panindang gaya ng mamahaling bato ay relos ng Europa sa Tsina at iniuwi ang Tsaa, porselana, sutla at iba pang paninidang Tsino sa Europa. Iniugnay nito ang pagpapalitang pangkalakalan ng Tsina at Europa sa panhong iyon. Sa kasamaang-palad, lumubog ang Goetheborg noong 1745 sa rehiyong pandagat na malapit sa Sweden. Noong ika-8 at ika- 9 na dekada ng nagdaang siglo, maraming beses na nanisid ang mga tao ng Goetheborg. At sa isang pagsisid, nagkaron sila ng mga kataka-takang bagay. Naalaala ni Matts Larsson, isang kasapi sa maninisid na:
"Natuklasan namin ang 370 toneladang antigong tssa ng Tsina mula sa guho ng Goetheborg. Noong isang gabi, nagdaos kami ng isang tea party para umiinom ng nasabing mga antigong tsaa, ang sarap talaga! Hindi mailalarawan ito sa wika!"
Ang ilang bahagi ng nasabing nakuhang antigong tsaa ay isang tradisyonal na kilalang tsaa na tinawag na "Wuliqing" na galing sa bundok Xianyu sa dakong timog ng lalawigang Anhui ng Tsina.
Noong unang dako ng ika-9 na dekada ng nagdaang siglo, binalak ni Matts Larsoon at ng kaniyang mga kasama na gumawa ng isang bapor na ang molde nito ay ang Goetheborg para muling maglayag sa Tsina sa dating rutang sinundan ng Goetheborg para maghanap ng pinanggagalingan ng mga nanisid na panindang Tsino. Noong Oktubre ng taong 2005, sinimulan ng bagong tayong bapor "Goetheborg" ang kauna-unahang biyahe nito sa Tsina. Noong Hulyo ng 2006, nakadaong ito ng Guangzhou ng Tsina para pasimulan ang 4 na buwang pagdalaw nito sa Tsina. Maiinit na tinatanggap ito ng iba't ibang lugar ng Tsina. Noong taglagas, dumating ang mga kaibigang Swedish ng lupang-tinubuan ng Tsaa ng "Wuliqing" – bundok ng Xianyu ng lunsod ng Chizhou ng lalawigang Anhui. Pagkaraan ng 3 siglo, at mahabang biyahe sa Europa, Aprika, T.Amerika, Oceania at Asya at Atlantic Ocean, Indian Ocean at Pacific Ocean, ang mga antigong tsaa ay bumalik sa wakas sa kanilang lupang-tinubuan.
Ipinahayag ng pamahalaang lokal ang pagtanggap nito sa mga kaibigang Swedish sa isang espesiyal na paraan --- nagbigay sila sa mga kaibigan ng 100 pot ng bagong ipinoprodyus na Wuliqing Tsaa at ang bawat pot ay inukitan ng symbol ng Goetheborg.
Sinabi sa mamamahayag ni Liu Guoqing, pangalawang alkalde ng Chizhou na:
"Napakaligaya namin na ang mga antigong tsaa mula sa Goetheborg ay ipinoprodyus ng aming lunsod noong mahigit 260 taong nakalipas. Nang makita ko ang mga antigong tsaa, ang unang pakiramdam ko ay mahiwaga at kasiya-siya."
Ipinahayag rin ni Liu na umaasa ang kaniyang lunsod na mas mabilis na uunlad ang pagpapalitang pangkaibigan at pangkalakalan nila ng Sweden. Sinabi niyang:
"Nagpahayag ako ng lubos na paggalng sa rekonstruksyon at muling malayong paglalayag sa Tsina ng Goetheborg. Umaasa akong maipagpapatuloy, mapapaunlad at mapapasagana ang aming pakikipagpalitan at relasyong pangkomersyo't pangkalakalan sa Sweden na itinatag noong ilang siglong nakalipas."
Dala ng bagong Wuliqing Tsaa at pagkakaibigan ng mga mamamayang Tsino, lumisan ng Tsina noong katapusan ng nagdaang taon ang Goetheborg pabalik sa Sweden.
|