• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-02-09 13:59:23    
Pagtutulungan sa edukasyon ng Lalawigang Yunnan at mga bansang Asean, pinahihigpit

CRI
Nitong ilang taong nakalipas, sa pagsasamantala sa bentaheng heograpikal nito, aktibong nakikipagtulungan ang Lalawigang Yunnan ng Tsina sa mga kahanggang bansang Asean.

Noon pa mang Abril, taong 2005, sa pulong ng mga bansa sa GMS, Greater Mekong Sub-region hinggil sa Human Resources, iminungkahi ng delagasyong Tsino na magbukas sa Kunming, punong lunsod ng Yunnan, ng base para makapagsanay ng mga talento para sa pagtutulungan ng rehiyon.

Napag-alamang nakaplanong itatag sa Kunming University of Science and Technology ang base ng GMS sa human resources na nagtatampok sa pagsasanay sa industriya, agrikultura, panggugubat, medisina at gayundin sa pangangasiwa at pambansang wika ng mga bansang Asean. Kaugnay nito, sinabi ni Zhang Shaohong, opisyal ng Kagawaran ng Edukasyon ng Yunnan, na:

"Ang nabanggit na base ay nagsisilbing bintana ng aming lalawigan at mga kahanggang bansang Asean. Sa pamamagitan ng ganitong pakikipagtulungan sa Asean, magkasamang magsasanay kami ng mga talento para sa pagtatatag ng CAFTA, China-Asean Free Trade Area."

Isinalaysay pa ni Zhang na nitong ilang taong nakalipas, mabunga ang pagpapalitan at pagtutulungan sa edukasyon ng Yunnan at mga bansang Asean. Sinabi pa niya na:

"Aktibo ang mga institusyon ng higher education ng Yunnan sa pagsasagawa ng kooperatibong proyektong pang-edukasyon kasama ng kanilang mga counterpart sa mga kapitbansa na tulad ng Thailand, Laos at Myanmar. Ang kanilang proyekto ay may kinalaman sa pagtuturo ng wikang Tsino, pagsasanay ng mga talento, magkasanib na pananaliksik at iba pa."

Bukod dito, nitong limang taong nakalipas, umaabot sa 300 bawat taon ang bilang ng mga guro at estudyante na ipinapadala ng Yunnan sa mga kapitbansang Asean para sa pagpapalitan.

Kasabay nito, sapul noong taong 2004, naglalaan ang Pamahalaan ng Yunnan ng 1.8 milyong Yuan na taunang scholarship para makaakit ng mga estudyanteng Asean na mag-aral roon. Noong isang taon, lumampas sa 4700 ang bilang ng mga estudyanteng dayuhan na nag-aaral sa Yunnan at kabilang dito, mahigit 3000 ay mula sa mga kapitbansa, at ang kanilang major, bukod sa tradisyonal na wikang Tsino at TCM o Traditional Chinese Medicine, ay sumasaklaw rin sa siyensiya't teknolohiya, biolohiya, kabuhayan, turismo, pangangasiwa at iba pa. Mahigit 10 ang bilang ng mga pamantasan na nangangalap ng mga estudyanteng dayuhan.

Sinabi rin ni Zhang na nakaplano ang Lalawigang Yunnan na gawing base ng pagsasanay na nakatuon sa mga bansang Asean ang nabanggit na base ng GMS sa human resources at sa hinaharap, kung napapanahon na, idedebelop din itong unibersidad na nagtatampok sa mga aspektong may kinalaman sa Timog-Silangang Asya. Sinabi pa niya na:

"Ayon sa plano, magsusumikap kami para makaabot sa 12 libo ang bilang ng mga estudyanteng dayuhan na nag-aaral sa Yunnan samantalang makaabot sa 3000 ang bilang ng mga personahe na ipapadala ng lalawigan sa mga kapitbansa para sa pag-aaral. Nakaplano rin kaming magtayo ng ilang Confucius College sa Timog-Silangang Asya at Timog Asya at gayundin ng ilang sentro ng wika at kulturang Tsino."