Ang ika-18 ng kasalukuyang buwan ay Chinese Lunar Calendar New Year na tinatawag ang "Spring Festival" ng mga mamamayang Tsino. Ang Spring Festival ay pinakamaringal na kapistahan ng mga mamamayang Tsino sa isang taon. Kasunod na pagbabago ng panahon, nagbabago rin ang paraang pinalipas ng mga tao ang kapistahang ito, ngunit ang katayuan ng Spring Festival ay hindi pa mahahalinhan sa pamumuhay at puso ng mga mamamayang Tsino.
Tinatawag ng higit na nakararaming mamamayang Tsino ang Spring Festival sa "paglipas sa taon". Ayon sa kuwento, nagsimula ang Spring Festival mahigit apat na libong taon na ang nakararaan, ngunit hindi itong tinawag na "Spring Festival" sa panahong iyon, at walang regular na araw. Hanggang noong taong 2100 BC, gawing isang taon ng mga tao sa panahong iyon ang paglipat ng Jupiter ng isang bilog, at tinawag nila ang Spring Festival sa "Taon". Noong taong 1000 BC, nagpakita ang mga tao ng "Taon" bilang Spring Festival. Sa panahong iyon, ang "Taon" ay nangangahulugan ng magandang ani, at ang pagkakuha ng magandang ani ay tinawag na "pagkakaroon ng taon", at ang pagkakuha ng napakagandang ani ay tinawag na "pagkakaroon ng kalakihang taon". Ngunit ang tiyak na kahulugan ng "paglipas sa taon" ay ang paglipas ng alternant line ng bago at dating taon.
Ngunit pinasimulan ng mga karaniwang taong-bayan ng Tsina ang taon mula sa ika-23 ng ika-12 buwan ng lunar year, at tatagal ito sa ika-15 ng unang buwan ng lunar year. Sa loob ng tatlong linggong ito, may iba't ibang kalakaran. Halimbawa, mula ika-23 ng ika-12 buwan ng lunar year, sa karaniwan, naglinis ang mga tao sa mga lunsod at nayon ng kanilang tahanan at naglaba ng mga kasuutan bilang pagpapakita ng pag-aalis ng dumi; sa loob ng darating na isang linggo pagkatapos nito, nagsimulang maghanda ang iba't ibang pamilya ng iba't ibang pagkaing gagamitin sa panahon ng kapistahan.
Pagkaraan ng isang linggong paghahanda, dumating ng New Year's Eve, mula kahapon ng araw na ito, idinikit ng lahat ng pamilya ang iba't ibang katutubong pulang pag-aadorno na gaya ng red lantern at paper-cut for window. Kung gabi, umupo nang magkakasama ang lahat ng miyembro ng isang pamilya para kumain ng New Year's Eve Meal. Pagkaraang tapusin ang pagkaing ito, magkakasamang naglibang ang isang pamilya hanggang pagsikat ng araw, at ito ang tinatawag na "stay up late or all night on New Year's Eve". Sa panahong ito, binati ng mga batang miyembro ng pamilya ang mga matatanda na tinatawag na "pay a New Year call". Pagkatapos nito, dapat ibigay ng mga matatanda ang pera sa mga bata bilang regalo sa lunar New Year, at ang regalong ito ay nangangahulugan ng pag-aalis ng kasamaan at pagpapalakas ng kagandahan at pagbibigay-tulong sa mga bata sa paglipas ng taon at malusog na pagsibol.
Hanggang unang araw ng unang buwan ng lunar New Year, gumamit ang lahat ng miyembro ng mga pamilya ng maringal na kasuutan, at nagsimula silang magsalubong sa pagbisita ng mga panauhin at lumabas para sa pagbati ng bagong taon.
Ang New Year's Eve ay reunion love knot ng mga mamamayang Tsino na mahirap na ipinaliwanag. Sa araw na ito, ang higit na nakararaming tao sa ibang lunsod o bayan ay umuwi para kumain ng reunion meal, kaya bago dumating ng tuwing Spring Festival, naging mas matrabaho ang transit ng transportasyon ng Tsina kaysa karaniwang araw na lumitaw ng peak ng "Spring Transportation".
Ngunit, ang tradisyonal na kapistahan sa bagong siglo ay nagkakaroon ng bagong ayos. Sa nakaraan, ang tinig ng mga firecracker ay madalas na naririnig, ngunit sa kasalukuyan, para sa pangangalaga ng kapaligiran, hindi gumagamit ang ilang lunsod ng firecracker para sa pagsalubong sa Spring Festival o naglagay sila ng ilang limitasyon sa paggamit ng firecracker, ngunit ang mayamang aktibidad ng paglilibang ay nagkakaloob ng mas maraming pagpili sa mga mamamayan sa paglipas sa taon. Halimbawa, mula New Year's Eve hanggang ika-15 ng unang buwan sa bawat taon, magkakasunod na itinaguyod ng China Central Television (CCTV) at television station ng iba't ibang lugar ang iba't ibang uri ng get-together, at nanonood ito ng ilang daang milyong mamamayan sa buong bansa. Bukod dito, ang paglalakbay sa ibang lugar sa Spring Festival ang nagsisilbing isang bagong paraan ng mga mamamayan sa paglipas ng bagong taon.
|