Kayo ay nasa Serbisyo Filipino ng Radyo Internasyonal Ng Tsina. Ito si Ramon Jr. at welcome sa espesyal na edisyon ng Dear Seksiyong Filipino 2007. Ngayong gabi bibigyang-daan natin ang mga liham na padala nina Vangie Golondrina ng Paco, Manila at Connie Bueno ng Cavite City.
Sabi ni Vangie
Dear Kuya Ramon,
Maligayang Bagong Taong Tsino sa iyo at sa lahat ng miyembro ng masayang Seksiyong Filipino family. How is your preparation for the festival going?
Thank you so much for remembering me last Christmas at New Year. Salamat din sa gifts. Talagang mahirap mapantayan ang inyong thoughtfulness.
Nitong taong makaraan nakatanggap ako ng T-Shirt, CD ng Chinese songs at colorful handicrafts.
Ang frequency ninyo na 7.180 Mghz ang ginagamit ko ngayong kahit sa Gabi Ng Musika. Hindi ko kaagad nakita. Sa sw1 pala iyon.
Kuya, sana maintindihan mo ang hindi ko pagsulat nang madalas. Napakarami ko talagang painagkakaabalahan. Pero lagi naman akong naka-tune-in lalo na kung Fridays at Saturdays.
Sa pagkakaalam ko, ngayong taon ay Year Of The Pig. Meron ba itong special significance sa day-to-day living natin?
Sabi ang aso raw ay marunong magpagaling ng sakit ng tao. Don't get me wrong. Ang ibig kong sabihin, naa-absorb nito ang sakit ng tao kaya gumagaling ang tao sa kaniyang karamdaman. Sana manatili kang ligtas sa anumang karamdaman sa Year Of the Pig. Iyan ang ibig kong sabihin.
Gusto ko sanang mag-contribute ng writings sa Gabi Ng Musika. Gaano ba kahaba ang dapat?
Hindi ko na dadagdagan ito baka masyadong hamaba. Alam kong abala ka sa pagbabasa ng mga sulat.
Take care, kuya, and more power!
Vangie Colondrina Pedro Gil, Paco Manila, Phils
Thank you so much, Vangie, sa iyong liham. Huwag kang mag-alala, naintindihan ko kung hindi ka nakakasulat. Alam ko na meron kang magandang communicate sa Serbisyon Filipino by all means. Sana magpatuloy ka ng pagtataguyod sa aming mga programa, ok? Thank you once again, Vangie.
Bago tayo dumako sa ikalawang liham, bigyang-daan muna natin ang SMS messages n gating textmates mula sa Manila.
Mula sa 917 916 7645, "Welcome Year Of The Pig!" Mula sa 917 266 4211, "Best Of Fortune For Lunar New Year!" At mula naman sa 920 335 2356, "Long Live DSF at Gabi Ng Musika!"
Tunghayan naman natin ang liham na padala ni Connie Bueno ng Cavite City.
Sabi ng kaniyang liham.
Dear Kuya Ramon,
Happy Year Of The Pig!
Happy Chinese New Year!
Gong Xi Fa Cai!
Ang hiling ko lang sa New Year na ito ay sana madagdagan ang mga taong tapat dito sa mundo at mabawasan ang mga nakamaskara.
Alam mo, kuya, itinuturing kitang tapat na kaibigan at ang katulad mo ay bihirang-bihira ngayon sa balat ng lupa.
Sana hindi ka magbago sa iyong mga tagapakinig.
Iyong Gabi Ng Musika mo bagong cruch ko. Dagdagan mo lang sana ang oras at mga pinatutugtog na kanta. But of course, ang Dear Seksiyong Filipino ang original ko. Very lovely program.
Kung minsan maraming interference ang 7.180 MgHz. Magpapadala ako ng report regarding this.
I just hope everything is ok with you these days.
Lots of care Connie Bueno Carmona, Cavite Philippines
Maraming-maraming salamat Connie sa iyong liham. Sana iyong wish mo para sa mundo magkatotoo. Pareho tayo ng wish, eh. Ok, thank you once again. Connie at sulat ka uli, ha?
At iyan ang kabuuan ng ating pagtatanghal ngayong gabi. Maraming salamat sa inyong pakikinig. Itong muli si Ramon Jr. na nagpapaalam at nagpapaalaalang ang kabutihan ay ipinapasa, hindi ibinabalik.
|