• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-02-12 17:35:35    
Mga bahay-kalakal na dayuhan, pinahahalagahan ang lokalikasyon

CRI
Sapul nang isagawa ng Pamahalaang Tsino ang reporma't pagbubukas sa labas noong huling dako ng 1970s, parami na nang paraming bahay-kalakal na dayuhan ang nagsimulang mamuhunan sa Tsina. Upang makatugon sa pamilihang Tsino, ginagamit nila ang tinatawag na "localizing strategy".

Papalapit na ang Chinese New Year o Spring Festival, pinakamahalagang kapistahan para sa nasyong Tsino. Ayon sa kaugalian, sa panahon ng kapistahang ito, nagbabatian ang isa't isa ng maligayang bagong taon.

Bilang isa sa mga hakbangin ng localizing, noong nagdaang linggo, mahigit 10 bahay-kalakal na dayuhan na tulad ng Siemens at SK Telecom ang magkakasamang naglunsad ng isang aktibidad para batiin ng maligayang bagong taon ang sambayanang Tsino sa iba't ibang paraan.

Sa isang preskon kamakailan, sa ngalan ng lahat ng mga bahay-kalakal na dayuhan, binati ni Binibining Wang Xin, tagapangasiwa sa Marketing ng Asiana Airlines-China, na:

"Sa bisperas ng piyesta, binabati ko ang sambayanang Tsino ng maligayang bagong taon. Umaasa rin akong mas maraming mamamayang Tsino ang makakasakay sa mga flight ng aming airlines."

Ang sinasabing localizing ng bahay-kalakal na dayuhan ay nangangahulugang upang matugunan ang pangangailangan ng mga target consumers, dapat silang makilahok sa pambansang kabuhayan ng Tsina sa aspekto ng produksyon, pagbebenta, pangangasiwa at empleyo.

Ayon sa estadistika ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, hanggang katapusan ng nagdaang Setyembre, umabot sa 580 libo ang bilang ng mga naaprubahan ng Tsinang bahay-kalakal na may puhunang dayuhan at umabot sa 665 bilyong dolyares ang aktuwal na nagamit na puhunang dayuhan. Mahigit 480 sa 500 nangungunang bahay-kalakal sa daigdig ang may puhunan sa Tsina. Ang ganitong mga bahay-kalakal ay nagsisilbi ngayong mahalagang bahagi ng kabuhayan ng bansa.

Salamat sa kanilang mga hakbangin ng paglo-localize na tulad ng pag-upa ng mga staff na Tsino, pagbili ng mga hilaw na materiyal mula sa lokalidad at pagdedebelop ng mga produktong nakakatugon sa mga mamimiling Tsino, maraming multinasyonal na kompanya na gaya ng McDonald's, Nokia at Coca Cola ang nangangag-tagumpay sa Tsina.

Sinabi ni naturang Binibining Wang na maraming isinasagawang hakbangin ang kanyang kompanya para maisakatuparan ang lokalikasyon. Sinabi niya na:

"Marami kaming empleyadong Tsino at dumarami rin ang mga namamahalang tauhang Tsino."

Ang Asiana Airlines ay isa lamang sa mga bahay-kalakal na dayuhan na palaki nang palaki ang bilang ng mga empleyadong Tsino at parami nang paraming empleyadong Tsino ang naitaas ng posisyon bilang tagapamahala.

Sa katotohanan, ang estratehiya ng paglo-localize ng mga bahay-kalakal na dayuhan ay may kinalaman sa paglo-localize ng Public Relations (PR), paglo-localize ng mga produkto, paglo-localize ng marketing at paglo-localize ng R&D. Ang nabanggit na pagbati sa mga mamamayang Tsino ng masaganang bagong taon ay manipestasyon ng lokalisasyon ng PR. Kaugnay nito, nagkoment si Gg. Song Ling, Tagapangulo ng China Electronic Commerce Association (CECA), na:

"Ang pagbati ng mga bahay-kalakal na dayuhan ng maligayang bagong taon sa sambayanang Tsino ay nagpapakita ng kanilang integrasyon sa kultura at kabuhayan ng Tsina. Ito ay isang aktibidad na kung saan nakukuha nila ng tiwala ng mga mamamayang Tsino."

Pagdating sa paglo-localize ng mga produkto, ang Procter & Gamble ay nangunguna sa aspektong ito; pagdating naman sa paglo-localize ng R&D, sa kasalukuyan, halos 800 ganitong sentro ang naitatag na sa Tsina ng mga bahay-kalakal na dayuhan.

Sinabi ni Cao Hengwu, Puno ng Association of China Industrial Newspapers, na ang paglo-localize ng mga bahay-kalakal na dayuhan ay isang di-maiiwasang tunguhin. Sinabi pa niya na:

"Maraming bahay-kalakal ang matagumpay sa pamilihang Tsino. Sa palagay ko, ang isa sa mga kadahilanan nito ay naisakatuparan nila ang lokalisasyon. Ito ay isang prinsipyo na dapat sundin ng mga bahay-kalakal na dayuhan kung gusto nilang pumasok sa pamilihang Tsino."