• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-02-12 17:36:06    
Pebrero ika-5 hanggang ika-11

CRI

Ipinahayag noong Martes ni Jiang Yv, tagapagsalita ng ministring panlabas ng Tsina na para tulungan ang pamahalaang Indones na lumaban sa baha, ipagkakaloob ng China Red Cross Society ang 20,000 dolyares na tulong sa Indonesia Red Cross Society. Naganap kamakailan ang malubhang baha sa Jakarta ng Indonesya na ikinamatay ng 29 tao at 350 libo ang nawalan ng tahanan. Sinabi ni Jiang na nagpadala si ministrong panlabas Li Zhaoxing ng Tsina ng mensahe sa kanyang counterpart ng Indonesya bilang pakikiramay sa mga kasuwalti ng baha.

Nagpalabas noong Martes dito sa Beijing ang ministri ng komersyo ng Tsina na hanggang katapusan ng nagdaang taon, umabot sa 160.8 bilyong dolyares ang halaga ng bilateral na kalakalan ng Tsina at ASEAN na lumaki nang 23% kumpara sa gayun ding panahon ng taong 2005. Sinabi ng isang opisiyal na nitong ilang taong nakalipas, komprehensibong umuunlad at nagpapasulong sa isa't isa ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at ASEAN. Sa kasalukuyan, ang ASEAN ay naging ika-5 pinakamalaking partner ng Tsina sa kalakalan at pinakamalaking partner naman sa mga umuunlad na bansa. Ipinahayag niyang ayon sa kabilisan ng kasalukuyang pag-unlad, may pag-asang aabot sa 180 hanggang 190 bilyong dolyares ang halaga ng bilateral na kalakalan ng Tsina at ASEAN sa taong ito.

Sa isang simposyum na idinaos noong Miyerkules sa Beijing, ipinahayag ni Lu Jianren, isang eksperto sa kabuhayan ng Tsina at ASEAN na ang kalakalang panserbisyo ng Tsina at ASEAN ay nasa isang napakababang inisyal na yugto. Anya, ang kalakalang panserbisyo ay isang bagong aspekto sa pagpapasulong ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng 2 panig sa hinaharap. Sinabi ni Lu na umabot sa 6300 milyong dolyares ang halaga ng kalakalang panserbisyo ng Tsina at ASEAN noong unang hati ng nagdaang taon at 1400 milyong dolyares ang trade deficit ng Tsina. Noong isang buwan, nilagdaan ng Tsina at ASEAN ang "kasunduan hinggil sa kalakalang panserbisyo", ayon sa pagkakataong ito, dapat pasulungin ng Tsina ang kalakalang panserbisyo at ang industryang panserbisyo nitong may kinalaman sa industrya ng pagyari sa mga bansang ASEAN.

Ayon sa estadistika na isiniwalat noong isang linggo sa isang pulong hinggil sa mga gawaing panturista ng Guangxi, Tsina, noong isang taon, umabot sa 400 libong persontime ang mga turista ng bansang ASEAN na tinanggap ng Rehiyong Awtonomo ng Guangxi, na lumaki nang 13% kumpara sa gayon ding panahon ng taong 2005. Sinabi ni Xiao Jiangang, direktor ng kawanihan ng turismo ng Guangxi na sa darating na ilang taon, ibayo pang palalakasin ng Guangxi ang pakikipagkooperasyon sa ASEAN, at itatatag kasama ng mga bansang ASEAN sa baybaying-dagat ang ligang panturista ng Beibu Gulf, pagsasamahin ang lahat ng yaman at magkakasanib na ipakikilala ang pandaigdigang ruta ng turismo.

Sa Shenzhen, isang lunsod sa timog ng Tsina, sinimulan noong isang linggo ng ministri ng komunikasyon ng Tsina ang pagsasanay sa vigilance men para sa mga puwerto sa Indonesya. Ang pagsasanay na ito ay tatagal nang 10 araw, 25 opisiyal na namamahala sa seguridad ng mga puwerto ng Indonesya ang kalahok. Tinukoy ng mga may kinalamang opisiyal ng ministri ng komunikasyon ng Tsina na ang pagdaraos ng pagsasanay na ito ay nakakabuti sa ibayo pang pagpapahigpit ng relasyong pangkaibigan ng mga departmento ng komunikasyon ng 2 bansa at naglatag ng matatag na pundasyon para sa walang tigil na pagpapaunlad ng kooperasyon ng 2 bansa sa dagat.

Isinasagawa sa kasalukuyan ng Rehiyong Awtonomo ng Guangxi sa timog kanlurang Tsina at Lalawigan ng Cao Bang sa hilagang Vietnam ang isang transnasyonal na proyekto ng pagtutulungan sa pagtatanim ng tubo. Batay sa proyektong ito, ipagkakaloob ng panig Tsino sa panig Vietnamese ang mga walang-bayad at de-kalidad na punla ng tubo, ipapadala ang mga teknisyan sa Vietnam para turuan ang mga lokal na magsasaka na itanim ang tubo at bibilhin din ng panig Tsino ang mga tubo para sa processing. Sa kasalukuyan, ipinagkaloob na ng naturang lalawigan ng Vietnam ang 6 na hektarya ng bukirin sa Ha Lang County nito para sa naturang proyekto. Napag-alamang ang naturang proyekto ay narating ng panig Tsino at Vietnamese sa ika-3 China ASEAN Expo na idinaos noong isang taon at ayon sa plano ng proyekto, sa loob ng darating na 3 hanggang 5 taon, tutulungan ng panig Tsino ang panig Vietnamese na itanim ang mahigit 1 libong hektarya ng tubo.

Sa kasalukuyang taon, maglalaan ang Rehiyong Awtonomo ng Guangxi sa timog kanlurang Tsina ng 20 bilyong yuan RMB sa pagtatayo ng isang komprehensibong transportation network sa lupa at dagat para mapaikli ang distansiya sa pagitan ng Pan-Pearl River Delta Economic Zone ng Tsina at ng malaking pamilihan ng ASEAN. Ipinahayag noong isang linggo ni Chen Wu, pangalawang tagapangulo ng Rehiyong Awtonomo ng Guangxi, na ang pagtatayo ng naturang pandaigdig na lagusan ay naglalayong pasulungin ang pagpapalagayan ng tauhan at sirkulasyon ng paninda at pondo ng Tsina at ASEAN at pataasin ang lebel ng kanilang bilateral na kooperasyon sa kalakalan, pamumuhunan at teknolohiya.