• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-02-15 19:03:24    
Samabayanang Tsino, buong-ligayang naghahanda para sa palalapit na Spring Festival

CRI

Ang ika-18 ng buwang ito ay ang Spring Festival o Chinese New Year, pinakamahalagang kapistahan para sa Nasyong Tsino. Sa kasalukuyan, sa kanayunan man o sa mga lunsod, abalang-abala ang mga mamamayang Tsino sa paghahanda para sa kapistahang ito.

Sa Sanzhao, isang nayon malapit sa Xi'an, punong Lunsod ng Lalawigang Shaanxi sa dakong kanluran ng bansa, pagkapasok ng nayon, nararamdaman na ng mamamahayag ang atmosperang pamista. Ang nayong ito ay may mahigit 2000 taong kasaysayan ng paggawa ng parol. Si Huyan Jianyi, isang mahigit 40-taong-gulang na taganayon, ay kilala sa sining-kamay na ito. Sinabi niya na: "Iba-iba ang hugis at disenyo ng ginawa kong mga parol at ang karamihan sa mga ito ay may disenyong kartun. Dahil palalapit na ang Spring Festival, ginawa ko ang mga parol na may hugis at disenyong nilad. Angkop ang mga ito sa atmostperang pamista."

Sa Henan naman, pinakamalaking lalawigang pang-agrikultura ng bansa, abalang-abalang naghahanda para sa napipintong kapistahan ang mga residenteng lokal. Nitong nakaraang isang taon, malakihang nakikinabang ang mga magsasaka sa isang serye ng mga preperensyal na patakaran ng Pamahalaang Tsino na tulad ng pagkansela ng buwis sa agriktura at pagkakaloob ng subsidy sa makinaryang pang-agrikultura at subsidy sa buto.

Nang dumating ang mamamahayag ng pamilya ni Ginang Zhang Xiangyun, gumagawa ng Jiaozi o Chinese dumplings ang sambahayan. Sinabi si Ginang Zhang na:

"Nabili na namin ang mga kinakailangang paninda para sa papalapit na Spring Festival. May leather padded clothes bawat isang kaanak at sapat din ang bilihing karne na kinabibilangan ng manok, bato, isda at baboy."

Nitong ilang taong nakalipas, upang mapadali ang pag-uwi ng mga migrant worker para sa family reunion sa panahon ng Spring Festival, nagsasagawa ang Ministri ng Daam-Bakal ng Tsina ng mga espesyal na tren. Sa kasalukuyan, mas maraming migrant workers ang nakikinabang sa kaginhawahan na dulot ng serbisyong ito, halimbawa, sa pagbebenta ng tiket. Sa isang espesyal na tren, sinabi sa mamamahayag ni Li Meixiang, isa sa mga migrant workers na:

"Taga-Shiyan, Hubei, ako. Sabik na sabik ako sa pag-uwi. Noong araw, lubusang nahihirapan kaming bumili ng tiket, pero, sa pagkakataong ito, naglaan ng tiket para sa akin ang aming amo."

Si Ginang Han Rui, taga-Beijing, ay staff ng isang kompanya. Sinabi niya sa mamamahayag na:

"Sa panahon ng Spring Festival, karaniwa'y nagbibisitahan at nagbabatian ang mga kamag-anakan ng maligayang bagong taon. Sa bisperas ng Chinese New Year, nagtitipun-tipon ang kapamilya para sa family reunion dinner at siyempre, hindi maaaring mawala ang Jiaozi o Chinese dumpling."

Pero, meron ding mga mamamayang nagpapalipas ng bakasyon sa pamamagitan ng paglalakbay. Sinabi ni Ginang Wang Chen na:

"Nakahanda ang aking pamilya na pumunta sa Ehipto. Gusto naming samantalahin ang bakasyon ng Spring Festival para makapaglakbay sa Aprika."

Nitong ilang taong nakalipas, para sa mga mangangalakal na Taywanes na may negosyo sa Mainland, nagsasagawa ang Pamahalaang Tsino ng mga direktang chartered flight sa panahon ng Spring Festival. Sinabi sa mamamahayag ng isang kinauukulang namamahalang tauhan na kumpara sa mga nakaraang taon, tumaas ang bilang ng mga mangangalakal na Taywanes na umuwi sa Taiwan at bukod dito, dumarami rin ang mga Taywanes na pumarito sa Mainland para bumisita sa mga kamag-anak o maglakbay.