• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-02-16 19:21:43    
Mansanas mula sa Lalawigang Shaanxi, pumapasok sa pamilihang ASEAN

CRI
Ang Lalawigang Shaanxi ay nasa sonang sentral ng loess plateau sa dakong hilagang kanlurang ng Tsina, at ito ay isang mahalagang bayang-sinilangan ng sibilisasyong agrikultural ng Nasyong Tsino. Ang pagsasagawa ng pamahalaang Tsino ng estratehiya ng paggagalugad sa gawing kanluran ng bansa ay nakapagbigay ng napakalaking pagkakataon para sa pag-unlad ng kabuhayan ng lalawigang ito. Nitong nakalipas na ilang taon, napakabilis ng pag-unlad ng industrya ng prutas dito, lalung lalo na ng industrya ng pagluluwas ng mansanas na nagsisilbi ngayong pillar industry ng kabuhayan ng lalawigang ito.

Ang napakalaking bahagi ng Lalawigang Shaanxi ay talampas at lambak. Madilaw at matigas ang lupa dito at ang klima ay semiarid at sub-humid. Dahil sa katangiang ito, maganda ang kalidad ng mansanas na napoprodyus rito.

Isinalaysay ni Mr. Zhang, isang opisyal ng Tangganpan ng Shaanxi Provincial Fruit Administrative Bureau na:

"Mahusay ang kalidad ng mansanas ng Lalawigang Shaanxi. May apat na namumukod na katangian ito: matingkad ang kulay; makapal ang wax cuticle; matamis, malutong, mabango at masustansiya at hindi madaling mabulok kung iiimbak at ibi-biyahe."

Nitong nakalipas na ilang taon, mabiling mabili ang mansanas ng Lalawigang Shaanxi sa loob ng bansa at sa 53 bansa at rehiyon sa buong daigdig na gaya ng Timog Silangang Asya, Rusya, Gitnang Silangan, Unyong Europeo.

Ang Lalawigang Shaanxi ay isang tradisyonal na lalawigang agrikultural. Sa proseso ng pagsasagawa ng estratehiya ng paggagalugad sa gawing kanluran ng bansa, ipinauuna ng lalagwigang ito ang 4 na industriyang may sariling bentahe at katangian, at ang industrya ng prutas ay isa sa apat na ito, at ipinasiyang pabilisin ng lalawigan ang pagiging haligi ng industrya ng prutas ng pagluluwas ng mansanas. Iniharap din nito ang target ng pag-unlad ng industrya ng prutas, alalalong baga'y maging numero uno sa buong bansa, lumikha ng kilalang tatak sa buong daigdig at may pinakamahusay na episiyensya.

Noong isang taon, nakapagluwas ang Lalawigang Shaanxi ng 293 libong toneladang prutas, kumita ng 200 milyong dolyares na salaping dayuhan na lumaki nang 49.49% at 54.97% ayon sa pagkakasunod kumpara sa gayun ding panahon ng taong 2004. Ang pagluluwas ng prutas ay naging pangunahing pokus ng paglaki ng pagluluwas ng mga produktong lokal na katumbas ng 74.2% ng pagluluwas ng produktong agrikultural sa buong lalawigan.

Sapul noong taong 2002, nagsagawa na ang mga kinauukulang departamento at bahay-kalakal ng estratihiya na "luluwas sa pamilihang dayuhan at papapasukin sila sa sariling pamihihan" para mapalakas ang pagpapalitang pangkalakalan nila ng mga pamilihang dayuhan, lalong lalo na, ng pamilihan ng Asean.

Malaki ang pangangailangan sa mansanas ng Asean, ngunit ang klima ng rehiyon ay hindi angkop sa produksyon ng mansanas. Kaya, ang mga bansang Asean ang nagsisilbing pangunahing pamilihan na kung saan iniluluwas ang mga prutas ng Lalawigang Shaanxi. Para sa pag-uugnayan sa pagitan ng pamahalaan at mga bahay-kalakal, paulit-ulit na idinaos ang iba't ibang porma ng roundtable meeting ng Tsina at Asean upang makapagkaloob ng ginhawa at makapaglatag ng tulay ng pagpapalitang pangkalakalan ng magkabilang panig.

Noong Oktubre ng taong 2003, lumagda ang Tsina at Thailand sa kasunduan hinggil sa serong taripa sa kalakalan ng pagluluwas ng prutas at gulay. Noong Disyembre nang taon ring iyon, idinaos ng Lalawigang Shaanxi at Thailand ang kauna-unahang roundtable meeting sa sektor ng industriya ng prutas, at nagtamo ang pulong na ito ng masaganang bunga. Sinabi ni Liu Ling, puno ng Shaanxi Provincial Fruit Administrative Bureau na :

"Nauna rito, nagsagawa ang Tsina ng pagluluwas sa Thailand, pangunahin na, sa pamamagitan ng kalakalang panghanggahan, at pumasok ang mga prutas ng Tsina sa mga consumer market ng Thailand sa mababang antas na gaya ng pamilihan ng pakyawan lamang. Sapul nang isagawa ang serong taripa at idaos ang pulong na ito, pumasok na sa mga pangunahing consumer market ng Thailand ang aming mahusay na prutas."

Mula taong 2004 hanggang taong 2005, magkasamang idinaos ng ministri ng agrikultura ng Tsina at pamahalaan ng lalawigang Shaanxi ang 2 roundtable meeting ng mga mangangalakal ng 10 bansang Asean at Tsina, Hapon at Timog Korea (10+3) sa sektor ng prutas. Sa pamamagitan ng pagdalaw sa mga demonstration orchard ng mansanas ng lalawigang ito, mas lalong nadagdagan ang kompiyansa ng mga kalahok na kinatawan sa kanilang kooperasyon.

Ayon sa estadistika mula sa adwana, umabot sa 6369 na tonelada ang iniluluwas na prutas ng lalawigang Shaanxi sa rehiyon ng Asean noong isang taon, kumita ng 2.53 milyong dolyares na salaping dayuhan na naging rekord sa kasaysayan.

Bilang isang matalik na kapitbansa ng Tsina, lumahok ang Pilipinas sa ika-2 10+3 roundtable meeting ng prutas noong isang taon. Isinalaysay ni Liu na:

"Isang bahay-kalakal na Pilipino ang lumahok sa pulong na ito, ngunit sa kasalukuyan, hindi pa napagpapasyahan kung papaanong kikilos sa hinaharap. Noon, dahil kapos kami sa promotion sa Pilipinas, halos walang anumang pagpapalitan sa kalakalan ng prutas sa pagitan namin. Pero pagkatapos ng pulong na ito, ang malawakang base ng prutas namin ay nag-iwan sa mga mangangalakal na dayuhan ng malalim na impresyon."

Nang mabanggit ang target ng pag-unlad ng prutas ng lalawigang Shaanxi sa bagong panahon, sinabi niyang:

Sa harap ng bagong kalagayan ng integrasyon ng kabuhayan ng buong daigdig, makakatugon ang pagpapaunlad ng industrya ng prutas ng lalawigang Shaanxi kung susundin ang pangangailangan ng pamilihan, at gagawing target ang pagpapalawak ng pagluluwas at pagpapataas ng kalidad, pabubutihin ang kalidad at kredito, ibayo pang patataasin ang lebel ng pangangasiwa sa orchard, lebel ng kawalang-panganib at kalidad ng mga produkto ng prutas at added value ng pag-unlad ng industryang ito.

Kasabay ng proseso ng pagtatatag ng malayang sonang pangkalakalan ng Tsina't Asean (CAFTA), nananalig kaming sa pamamagitan ng pagsisikap ng mga taga-Shaanxi, higit na marami pang mamamayang dayuhan ang makakatikim ng walang kasingsarap na mansanas mula sa lalawigang ito.