• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-02-16 19:23:52    
Makulay na temple fair, sumalubong sa Spring Festival

CRI
Ang ika-18 ng kasalukuyang buwan ay ang Spring Festival-- pinakamaringal na tradisyonal na kapistahan ng Tsina. Ang gagala sa temple fair sa Spring Festival ay isa sa mga tradisyonal na libangan na nagugustuhan ng mga mamamayang Tsino.

Ang temple fair ay katutubong tradisyonal na libangang kultural ng Tsina. Ito ay basar na pinagsama-sama ang libangan, paglalakbay, shopping at pagkain, na ang pinagdarausan nito ay ang templo at parke, isa rin itong malaking tanghalang nagpapakita ng katutubong kultura ng Tsina sa mahabang panahon. Nitong mahigit isang libong taong nakalipas, dahil sa pagkakaiba ng kaugalian ng pamumuhay at kultura ng katimugan at kahilagaan ng Tsina, ang mga temple fair sa iba't ibang purok ay may kani-kanilang rehiyonal na katangian.

May anim hanggang pitong daang taong kasaysayan ang tradisyonal na temple fair ng Beijing. Noong una, ang mga temple fair ay idinaos sa templo, at ang pangunahing nilalaman nito ay pagbibigay-galang sa Diyos. Kasunod ng pagbabago ng panahon, naging mas makukulay ang mga aktibidad ng kasalukuyang temple fair, at ang mga temple fair ngayon ay idinaraos sa parke ng mga lunsod at daan ng mga nayon. Katangi-tangi ang Longtan Park Temple Fair na isa sa mga temple fair ng Beijing. Sinabi ni Ginoong Hu Xiangjun, isa sa mga taga-organisa ng nasabing temple fair na magiging mas maganda ang nilalaman ng temple fair sa taong ito. Sinabi niya :"Sa isang purok ng park eng Longtan, ididispley ang 33 intangible cultural heritage sa antas ng estado, lunsod at bayan. Bukod dito, sa isang palabas, pinagsama sa tanghalan ang 10 katutubong maestrong mahusay sa pagsigaw sa paglalako sa lumang Beijing. Sa pamamagitan ng kanilang pagtatanghal, ipinakikita ang nabigha-nabighang tradisyonal na kultura ng nasyong Tsino."

Sa katimugan ng Tsina, ang temple fair ay may sariling katangian. 25 pambansang minoriya ang naninirahan sa Lalawigang Yunnan, at ito ay isang Lalawigang Tsino na may pinakamaraming pambansang minoriya, at ang kanilang temple fair ay talagang pagpapakita ng nagkakaibang natatanging kultura ng iba't ibang etnikong grupo: mga craftwork, kasuutan, espesyal na kagamitan, natatanging miryenda at palabas. Ang mayayaman at makukulay na palabas-pansining ng mga pambansang minoriya ang nakakaakit ng maraming turista tuwing panahon ng Spring Festival.

Bukod sa mga tradisyonal na temple fair, nitong ilang taong nakalipas, sa mga malaking lunsod na gaya ng Beijing at Shanghai, lumitaw ang mga "foreign temple fair" sa panahon ng Spring Festival. Idinisenyo ng mga tagapag-organisa ang temple fair of Spring Festival sa katulad ng karnabal ng mga bansang Kanluranin, at nag-anyaya sa mga foreign festooned vehicles at bands para sa pagtatanghal sa temple fair. Ang Beijing Chaoyang District ay isang rehiyong kinaroroonan ng pinakamaraming embahadang dayuhan. Mula noong taong 2002, idinaraos bawat taon ng Chaoyang District ang "International Carnival" na mainit na tinatanggap ng mga residenteng Beijing at mga dayuhan sa Beijing. Isinalaysay ni Ginoong Li Youping, namamahalang tauhan ng organizing committee ng aktibidad na ito na :"Gawing pangunahing pokus ng aming international carnival sa taong ito ang European culture at street art. Kasabay nito, bilang international carnival, ang international foods ay isang bahagi na dapat pahalagahan at puspusang paghandaan."

Bukod dito, dahil sa pagpapalaganap ng website, lumitaw sa ilang purok ng Tsina ang internet temple fair, at sa pamamagitan ng pagtatanghal ng karton at paligsahan ng cyber games, ipinagdiriwang ng mga internet surfer ang taunang Spring Festival.