• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-02-20 18:04:25    
Traditional way of celebrating Spring Festival should stay

CRI
Kayo ay nasa Serbisyo Filipino ng Radyo Internasyonal ng Tsina. Ito si Ramon Jr. at welcome sa Dear Seksiyong Filipino 2007.

Dalawang tulog na lang Chinese New Year na. Gong Xi Fa Cai sa mga kumara at kumpare sa Sta. Cruz at Quiapo Districts. Ano ba ang handa natin bukod sa paputok? Ingat lang tayo sa pag-handle ng paputok, ha? Mahirap na, eh.

Siyempre hindi maaring makumpleto ang aking pagbati nang hindi binabanggit ang pangalan ni Mayor Lito Atienza ng Maynila. Si mayor Lito ang laging nangunguna sa seremonya ng pagdiriwang ng Chinese New Year sa Chinatown. Mabuhay po kayo, Mayor Lito at maraming salamat sa pagbibigay ninyo ng importansiya sa mahalagang event na ito...

Ang long-distance voice natin sa edisyong ito ng DSF 2007 ay nagmumula sa Kennon Road, Baguio City, tinig ng masugid na tagapakinig na si Butch Pangilinan.Tumawag si Butch dahil hindi raw siya kuntento na iparating ang kaniyang New Year greetings sa pamamagitan lamang ng SMS.

Kasunod ng aming mahabang kumustahan, tinanong ko siya kung ano ang ginagawang paghahanda ng Chinatown sa kanilang lugar para sa nalalapit na Chinese New Year. Ang sagot niya:

Sa tanong na kung dapat panatilihin ang tradisyonal na paraan ng pagdiriwang ng Chinese New Year o hindi, sinabi ni Butch na ikalulungkot niya nang labis kung maglalaho o mahahalinhan ang tradisyonal na paraan ng mga Chinese ng kanilang Spring Festival o Bagong Taong Tsino . Sabi niya ang kinagisnan nilang paraan lamang ang maituturing na may katangiang Tsino at kung mahahalinhan ito ng ibang paraan, at kung mahahalinhan ito ng ibang paraan, mawawala ang sariling kakanyahan nito.

Ang pinakamaganda aniyang wish na maiisip niya para sa China at mamamayang Chinese sa pagpasok ng Lunar New Year ay ang patuloy o higit pang tagumpay nila sa maraming larangan lalo na sa larangan ng kabuhayan. Tutal, aniya, marami ring bansa ang nakikinabang sa kanilang tagumpay dahil generous naman sila sa kanilang mga kapitbansa.

Iyan ang tinig ni Butch Pangilinan mula sa Kennon Road, Lunsod ng Baguio.

Bago natin tunghayan ang liham ni Vangie Golondrina ng Paco, Bigyang-daan muna natin ang ilang mensaheng SMS mula sa ating textmates...

Mula sa 9179558877: "Masayang bati sa Bagong Taon ng kalendaryong lunar." Mula sa 9286513095: "Happy Year of the Pig. May you have more roasty years to come." At mula naman sa 9108011334: "We join you in your celebration of the Spring Festival."

Ngayon, tingnan natin kung ano ang laman ng liham ni Vangie.

Dear Kuya Ramon,

Maligayang Bagong Taong Tsino sa iyo at sa lahat ng miyembro ng masayang Seksiyong Filipino family. How is your preparation for the festival going?

Thank you so much for remembering me last Christmas at New Year.Salamat din sa gifts. Talagang mahirap mapantayan ang inyong thoughtfulness.

Nitong taong nakaraan, nakatanggap ako ng t-shirt, CD ng Chinese songs at colorful handicrafts.

Ang frequency ninyo na 7.180 mghz ang ginagamit ko ngayon kahit sa Gabi ng Musika. Hindi ko kaagad nakita. Sa SW1 pala iyon.

Kuya, sana maintindihan mo ang hindi ko pagsulat nang madalas. Napakarami ko talagang pinagkakaabalahan. Pero lagi naman akong naka-tune-in lalo na kung Fridays at Saturdays.

Sa pagkakaalam ko, ngayong taon ay Year of the Pig. Meron ba itong special significance sa day-to-day living natin?

Sabi ang baboy daw ay mas madali pang turuan ng tricks kaysa aso at higit na matalino kaysa aso at iba pang hayop.Sana sa pagdating ng taon ng matalinong hayop na ito , magampanan ninyo ang inyong tungkulin nang buong talino at buong talino ring malutas ang lahat ng mga sagabal na problema.

Gusto ko sanang mag-contribute ng writings sa Gabi ng Musika. Gaano ba kahaba ang dapat?

Hindi ko na lamang dadagdagan ito baka masyadong humaba. Alam kong abala ka sa pagbabasa ng mga sulat.

Take care, kuya, and more power.

Vangie Golondrina
Pedro Gil, Paco
Manila, Philippines

Maraming salamat, Vangie, sa iyong liham at sa pag-uukol mo ng panahon sa aming weekend programs. Sana magkaroon ka rin ng time para sa aming mga balita at iba pang programa at dumalas ang pagsulat mo sa amin. Thank you uli at God Love You.

Hanggang diyan na lang ang oras natin para sa gabing ito. Maraming salamat sa inyong pakikinig. Itong muli si Ramon Jr. na nagpapaalam at nagpapaalalang ang kabutihan ay ipinapasa, hindi ibinabalik...