Sa bisperas ng Spring Festival, pinakamahalagang trandisyonal na kapistahan ng Tsina, espsiyal na kinumusta noong Sabado ni Tang Jiaxuan, kasangguni ng estado ng Tsina ang ana ng kasalukuyang hari ng Kambodya na si Norodom Sihanouk at ang kaniyang asawa na nasa Beijing ngayon. Sinabi ni Tang na ang susunod na taon ay ika-50 anibersaryo sa pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Kambodya. Magkasamang magdaraos ang dalawang bansa ng mga aktibidad bilang paggunita para maunawaan ang mga mamamayan, espesiyal na ang mga kabataan ng dalawang bansa ang pagkakaibigan ng dalawang bansa at maipagpatuloy ito sa hene-henerasyon. Ipinahayag rin ni Sihanouk ang kaniyang pagbating pambagong taon sa lahat ng mga mamamayang Tsino. Anya, lubos na pinasalamatan ng mga mamamayan ng Kambodya ang mga mamahaling pagkatig at tulong na ipinagkaloob ng panig Tsino nitong mahabang panahong nakalipas. Nananangan ang pamiliyang royal at pamahalaan ng pakikipagkaibigan sa Tsina at hindi kailaman'y magbabgo ang patakarang ito.
Idinaos noong Biyernes sa Nanning, kapital ng rehiyong autonomo ng Guangxi sa timog kanluran ng Tsina ang pagtatanghal bilang paggunita ng China-ASEAN Expo, CAexpo. Ayon sa salaysay, sa naturang pagtatanghal, idedesplay ang ilang bagay na ginamit ng mga lider ng iba't ibang bansa sa mga seremonya ng pagbubukas ng nakaraang tatlong CAexpo. Bukod dito, may mga stamp-album at video-data para sa paggunita ng isang serye ng mahalagang sandali sa kasaysayan. Napag-alaman, nitong 3 taong nakalipas, dumalo sa CAexpo ang 18 lider at halos 500 opisyal sa antas na ministeryal ng Tsina at mga bansang ASEAN. Umabot sa 3.5 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng kalakalan sa 3 expo at 16.1 bilyong dolyares ang nakontratang pamumuhunan ng mga proyekto ng pandaigdig na kooperasyon.
Idaraos ng pirmihang lupong ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina o NPC ang pulong dito sa Beijing mula ika-26 hanggang ika-28 ng buwang ito. Ang isa sa mga nilalaman ng pulong na ito ay pagsusuri at pag-aaproba sa kasunduan hinggil sa pagtatakda ng juncture ng mga hanggahan ng tatlong bansa ng Tsina, Biyetnam at Laos.
Isiniwalat noong isang linggo sa Kunming ni Yang Guangcheng, puno ng departamento ng transportasyon ng Lalawigang Yunnan sa dakong timog kanluran ng Tsina, na ayon sa inisyal na pagtaya, hanggang taong 2010, maaaring umabot sa 1.5 milyong tonelada ang bolyum ng paghahatid ng paninda ng Lancang-Mekong international sea-lane at umabot sa 400 libong person-time ang pasahero. Tumutuloy pa ngayon ang konstruksyon at pagsasaayos sa sea-lane na ito, at tinayang matatapos ito sa katapusan ng kasalukuyang taon. Hanggang sa panahon iyon, tataas nang malaki ang kakayahan ng transportasyong pandagat ng Langcang-Mekong river.
Pormal na binuksan noong Lunes ang pandaigdig na flight mula Wuhan, isang lunsod sa gitna ng Tsina, patungong Siem Reap ng Kambodya. Ayon sa ulat, ito ay ika-3 linya ng paglipad na pinatatakbo ng Angkor Airline ng Kambodya kasunod ng linya sa Chengdu at Kunming ng Tsina. Tiyak na pasusulungin ng naturang linya ang kooperasyong panturista at pangkabuhayan sa pagitan ng Kambodya at mga gitnang rehiyon ng Tsina na kinabibilangan ng Wuhan.
Isiniwalat noong Martes ni Lan Riyong, pangalawang puno ng museo ng rehiyong autonomo ng Guangxi sa dakong timog kanluran ng Tsina, na idaraos sa Hanoi ng Biyetnam ang pagtatanghal ng relikyang pangkultura ng Guangxi mula ika-25 ng buwang ito. Ito ang kauna-unahang malaking pagtatanghal ng relikyang pangkultura ng Tsina sa Biyetnam, at kauna-unahang pagpapalitan sa relikyang pangkultura rin sa pagitan ng Guangxi at mga bansang Asean.
|