Sa dakong silangan ng Chang'an Boulevard, may isang kilalang pamilihang tinawag na Xiushui Street Market. Ang silk clothes na ipinagbibili dito ay kaakit-akit para sa mga dayuhan. Ngunit, ipinagbibili rin doon ng ilang mangangalakal ng mga pakeng produkto na kinopya ang mga bantog na tatak na gaya ng Louis Vuitton, Cucci at Chanel. Sa pamamagitan ng magkasamang pagsisikap ng departamentong tagapamahala ng pamilihan at mga mangangalakal, ganap na nagbago na ngayon ang kalagayang ito. Ang lahat ng mga kasuutang ipinagbibili sa pamilihan ay may self-owned brand o inawtorisaduhang tatak. 40 tindahan doon ang ginawaran kamakailan ng the Intellectual Property Working Group of the European Chamber of Commerce ng "Huwaran sa pangangalaga sa Karapatan sa pagmamay-ari sa likhang-isip"
Noong ika-8 at 9 na dekada ng nagdaang siglo, ang Xiushui Street Market ay isang maliit na pamilihan sa silangang Chang'an Boulevard ng Beijing na kilala sa pagbibili ng mga silk clothes. Dahil maraming organisayong dayuhan at mga embahada ng iba't ibang bansa sa Tsina ang malaipit sa pamilihan, gustong bumisita ito ng maraming dayuhan nang dumating sila ng Beijing. Noong ilang taong nakalipas, sinimulang magbili ang ilang mangangalakal ng mga huwad na kilalang kauustan at dahil sa mababang presyo, maiint na tinanggap ito ng mga turistang dayuhan.
Para sa pangngalagsa sa interes ng mga kilalang tatak at mga mamimili, pinalakas ng departamentong tagapamahala ang pangangasiwa sa pagnenegosyo sa pamilihan at ipinaalam sa mga mangangalakal na nagtitinda ng mga huwad na kilalang kasuutan na lumalapastangan sa IPR at lumalabag sa batas ang ginagawa nila. 3 taong na ang nakaraan, para mapataas ang lebel ng pamilihan, binago rin nito ang lokasyon ng pamilihan, mahigit 1000 tindahan sa pamilihang ito ay lumipat sa isang bagong gusaling may 7 palapag. Si Hua Shijun ay isang mangangalakal na matagal na nagtitinda sa pamilihang ito. Dati, ipinagbili niya ang mga huwad na kilalang kasuutan. Ngunit, sa kasakukuyan, hindi lamang hindi niya ipinagbibili ang mga pekeng produkto, buong sikap pa niyang pinapayuhan ang mga mamimili na bumuli ng mga quality goods. Sinabi niyang:
"Dati, ang pekeng produkto ang pangunahin kong itinitinda. Ngunit, nagbago ang kasipan ko, hindi na ako nagtitinda ng mga peke. Buong sikap na bumabago rin kami sa mga kasipan ng mga dayuhang mamimili at hinihimok silang hindi bumili ng mga peke."
Nakita ng mamamahayag na hindi lamang sa tindahan ni Hua, nagtitinda ngayon ang lahat ng pamilihang ito ng mga quality goods. Hindi makikita na dito ngayon ang anumang produktong gumagaya ng Louis Vuitton, Cucci at Chanel.
Para enkorahehin ang makatarungang pagnenegosyo ng mga mangangalakal, itinatag din ng pamilihang ito ang isang 30 milyong Yuan RMB na espesiyal na fund para sa pangangalaga sa IPR. Sinabi ni Wang Zili, general manager ng Xiushui Street Clothes Market Company Limited na:
"Iniharap namin ang estratehiya ng pag-unlad: pagtatatag ng isang Xiushui na kinakikitaan ng kultura, fashion, brand at inobasyon. Ang nukleo nito ay pagpapasulong ng inawtorisahang pagnenegosyo. Para enkorahehin ang mga mangangalakal na magkamit ng awtorisasyon, nagsagawa kami ng mga hakabngin na gaya ng pagbabawas o pagbabalik ng renta at iba pa."
Masasabing ang pagbabago sa maliit na pamilihang ito ay isang magandang halimbawa ng buong sikap na pagpapalakas ng Tsina ng pangangalaga sa IPR. Nakatawag din ito ng pansin ni Paul Ranjard, tagapangulo ng the Intellectual Property Working Group of the European Chamber of Commerce. Sinabi niyang:
"Tuwang-tuwa ako sa mga pagsisikap ng panig Tsino para sa paglutas sa isyu ng IPR na kinabibilangan ng pagtatatag ng espsiyal na pondo ng pangangalga ng IPR at iba pang mga hakbangin na isinagawa sa Xiushui. Umaasang kaming ang Xiushui ay magiging pinakamagandang halimbawa sa Tsina sa aspekto ng patulooy na pagbibigay-dagok sa mga pekeng produkto at mapapanatili nito ang bentahe sa iba pang kompetitor."
|