• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-02-22 17:45:06    
Manuela Abesamis: Gusto kitang papurihan sa efforts mo na mapasaya ang iyong mga Kababayan

CRI

Dear Kuya Ramon,

Bago ang lahat, T.Y muna sa scarf na regalo mo sa akin sa birthday ko. How sweet of you naman.

Bago itong scarf na ito nay natanggap din akong presents mula sa Filipino Service: CD ni Jacky Cheng, malaking panyolito, table calendar, paper-cuts, bookmarks at table cloth.

Gusto kitang papurihan sa efforts mo na mapasaya ang iyong mga Kababayan sa pamamagitan ng iyong mga programa sa radio at sa pakikipag-communicate mo sa kanila sa pamamagitan ng sulat. Ang sipag mo palang sumulat. Sana ganiyan din ako.

Naka-ready na iyong request mong recording ng isang Friday program mo. Ipapadala ko na lang sa iyo. Wala kang aalalahanin. Maliit na bagay lang ito. Okay naman ang inyong transmission sa 7.i80 mghz. Tulad din sa 11.700, may problema din kung hindi maganda ang weather condition.

Enclosed ditto ang mga sagot ko sa inyong Paligsahang Pangkaalaman: Sichuan- Lupang Tinubuan Ng Giant Panda.

Sorry, kuya, hindi kita napadalahan ng card noong birthday mo. Hindi ko nakakalimutan ang araw na iyon.

Okay, siguro tama na muna ito para sa ngayon.

Iyong request kong kanta huwag mong kalimutang patugtugin sa Gabi Ng Musika.

Loving you,
Manuela Abesamis
Cainta, Rizal, Phils.