• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-02-22 17:45:35    
Zhangjiajie, kaharian ng mga halaman

CRI
Kapag natunghayan mo ang Zhangjiajie, isang matulaing pook sa Lalawigan ng Hunan, mapapabulalas ka na lamang ng "Kay Ganda!" at "Kamangha-mangha!". Itinuturing na isang World Heritage site ang Zhangjiajie dahil sa kakaiba nitong likas na tanawin, ganap na sistemang biolohikal at mahusay na kombinasyon ng kalikasan at katauhan.

Sinasakop ng Zhangjiajie ang lawak na 369 kilometro kuwadrado. Ang kaalamang hindi pa ito nalilibot ng sinumang tao ay nakadaragdag sa pang-akit ng mahiwagang rehiyong ito. Ang pang-akit din nito ay nagmumula sa napakarami nitong kuweba. Sa Kuweba ng Huanglong o Dilaw na Dragon, may tatlong bukal na lumalagslas mula sa ituktok ng kuwebang may taas na 60 metro. Nagmumula ito sa mas mataas na ilog sa ilalim ng lupa na tinitirhan ng pambihirang espisi ng isda na tinatawag na "glass fish". Ang mga naunang espisi ay dating naninirahan sa ibabaw ng lupa, ngunit marahil, upang maiwasan ang kalagayan ng "survival of the fittest" o kaya, ay upang makibagay sa pagbabagong dulot ng paggalaw ng lupa, nanirahan na ang mga ito nang permanente sa mga kuweba. Sa ganap na kadiliman, hindi na kailangan pang gamitin ang mga mata; sa kawalan ng sikat ng araw, naglaho ang kulay ng katawan nito at naging transparent. Ayon sa mga siyentista, ang mga espisi ng isda na nasa kuwebang ito ay may libu-libong taong ksaysayan at bahagi ng pamana ng kalikasan. Ang anuman sa loob ng kuweba ay may mahabang buhay. Ang karayom na bato na may taas na 19.2 metro ay 20,000 taong gulang na at ang mga buto ng ligaw na damo na milyun-milyong taong na ay tumutubo pa rin. May mga bato rin sa kuweba na nakalilikha ng kabigha-highaning musika.

Paano nalikha ang kakaibang tanawing ito? Lumalabas na ang pagsira ng pahahon sa quartz sandstone stratum ang dahilan upang mabuo ang gubat ng mga ituktok. Nagkalamat ang mga bato at natangay ng agos ang maliliit na tipak ng bato, at lumitaw sa malawak na lupain ang mababaw na kanal at parisukat na bundok. Sa patuloy na pagkalantad sa panahon, ang mga parisukat na bundok ay naging bundok na hugis-mesa, ituktok na hugis-haligi o karayom na bato. Samantala, ang mabababaw na kanal ay lumapad nang lumapad at lumalim nang lumalim, na di naglaon ay naging malalaking lambak. Ang Zhangjiajie, sa kasalukuyan, ay may parisukat na bundok at mababaw na kanal, hugis-mesang bundok at malalim na kanal, hugis-haliging ituktok, karayom na bato at malaking lambak. Pagkatapos muli ng miyun-miyon pang taon, ang mga parisukat na bundok ay maaaring maging "gubat ng mga ituktok". Iyon ang kalikasan ng pagguho ng luba.

Sa kabilang dako, batay sa batas ng kalikasan ng mga deposito, nabubuo sa kuweba ang mga stalactite at stalagmite. Marami sa mga haliging ito ay bumubuo sa kurtinang bato ay talong bato. Sinasabing mabubuo ang ganitong tanawin sa loob ng libu-libong o milyun-milyong taon.

Ang Zhangjiajie ay isa sa pinakaunang pambansang kagubatan ng Tsina. Dito, mararamdaman mong luntian ang ulap, luntian ang mundo, luntian ang araw at ikaw mismo ay unti-unting nagiging kulay-luntian. Binubuo ang Zhangjiajie ng 97.7% kagubatan. Kaaya-aya ang paghinga dito dahil presko ang hangin at may halimuyak na mula sa mga ligaw na bulaklak at luntiang damo.

Ang Zhangjiajie, kilala bilang "kaharian ng mga halaman", ay hindi lamang natural na base na pinagmumulan ng oxygen, kundi nagtataglay rin ng 500 espisi ng halamang gamot. Mayroon itong 30 pambihirang espisi ng puno, tulad ng kalapating puno, na hilala bilang _living fossil". Sa panahon ng Quaternary, 20,000 hanggang 30,000 taon na ang nakararaan, lahat ng kalapating puno sa mundo ay nangawala na maliban sa Zhangjiajie. Naging malago ang mga halaman na kahit ang mga hangin at siwang ng bato ay tinubuan ng mga puno, ratan at lumot.

Ang matandang kagubatan ng Zhangjiajie ay paraiso para sa mga ligaw na hayop at halaman. Ito rin ang bunga ng mga bundok at tubig. Ang mga puno ay nagsisilbing ugat ng bundok upang patibayin ang bundok at gamitin ang mga nangalaglag na dahon nito upang patabain ang lupa. Iniingatan din nito ang 75% ng tubig-ulan at ang natitirang 25% ay dumadaloy sa mga ilog.