Bagama't maraming ulit na idinaos ang Beijing Books Order-placing Meeting, sinimulang idaos ang Trade Meeting for Copyright mula noong nagdaang taon. Sa panahong iyon, nakatanggap ito ng mahigit anim na daang iskrip, at lumahok ang ilang daang awtor at mga publishing agencies. Sa trade meeting sa taong ito, mahigit isang daang intensiyon ang narating ng mga awtor at mga may kinalamang organo.
Ang Trade Meeting for Copyright ay naka-akit ng mga publishing agencies ng Tsina, kundi naka-akit ito ng ilang kompanya sa ibayong dagat. Sa trade meeting na ito, lumagda sa kontrata ang Publishing House, Association of Construction Universities of Russia at Copyright Agency of China. Ayon sa kontratang ito, ang huli ay magiging tanging agency ng naturang Russian publishing company para sa pagpapasok ng mga aklat ng Tsina. Sinabi ni Nadezhda Nukzdnna, Direktor ng nasabing Russian publishing company na:
"Sa kasalukuyan, naipalathala ng mga publishing companies ng Tsina ang maraming aklat na may kinalaman sa arkitektura, at mayroong malaking impluwensiya ang mga ito sa iba't ibang lugar ng daigdig, at interesadong interesado ang Rusya sa mga aklat sa larangang ito. Kaya umaasa kaming magkaroon ng mas marami at magandang pakikipag-ugnayan sa publishing company ng Tsina."
Ayon kay Wei Hong, bukod sa Copyright Agency of China, mayroong mahigit 20 professional copyright agencies sa antas ng Lalawigan dito sa Tsina. Bukod dito, pinatatakbo ng maraming professional publishing company, culture organ at individual ang negosyong may kinalaman sa copyright agency. Ang pagiging mas masiglang copyright trade ay nakakapagpasulong sa pag-unlad ng industriya ng paglalathala ng Tsina.
|