• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-02-26 15:03:35    
Pebrero ika-19 hanggang ika-25

CRI
Magkahiwalay na ipinadala noong isang linggo ni Susilo Bambang Yudhoyono, pangulo ng Indonesiya, ang mensaheng pambati kina pangulong Hu Jintao at premiyer Wen Jiabao ng Tsina. Sa kaniyang mensahe, sa ngalan ng pamahalaan ng Indonesiya, ipinahayag ni Susilo ang taos-pusong pagbati sa pamahalaan at mga mamamayan ng Tsina. Sinabi niyang nitong ilang taong nakalipas, matatag na sumusulong ang relasyon ng dalawang bansa sa bilateral na larangan at sa balangkas na panrehiyon at multilateral. Nananalig siyang lalo pang palalakasin ng dalawang panig ang relasyong pangkooperasyon at magsisikap para sa pag-unlad ng kapwa bansa at katiwasayan at kasaganaan ng buong daigdig.

Sa isang pagtitipong idinaos noong Sabado sa Jakarta bilang pagdiriwang sa Spring Festival ng taong 2007, nagpalabas si pangulong Susilo Bambang Yudhoyono ng Indonesia ng pagbating pangkapistahan sa lahat ng etnikong Tsino sa Indonesia, at tinukoy niyang ang ethnic Chinese ay nagsilbing isang di-maihihiwalay na bahagi sa iba't ibang nasyonalidad ng Indonesia. Sinabi ni Susilo na ang lahat ng mga mamamayang Indonesian ay nagtatamasa ng nagkakapantay-pantay na karapatan at obligasyon na maliwanag na itinakda ng konstitusyon. Tinukoy niyang ang ethnic Chinese ay gumagawa ng nakapalaking ambag para sa pag-unlad ng Indonesia at nakahanda siyang magsikap, kasama ng iba't ibang nasyonalidad para sa pagtatatag ng isang masagana, maharmoniya at demokratikong estado ng Indonesia.

Sa paanyaya ni Thein Sein, unang pangkalahatang kalihim ng State Peace and Development Council ng Myanmar, at ng pamahalaan ng Thailand, lumisan noong Araw ng Linggo ng Beijing si Tang Jiaxuan, kasangguni ng estado ng Tsina, papuntang nasabing dalawang bansa para sa working visit. Nauna rito, ipinahayag ni tagapagsalita Jiang Yv ng ministring panlabas ng Tsina na magpapalitan si Tang, kasama ng mga lider ng naturang dalawang bansa, ng kuru-kuro hinggil sa pagpapalakas ng kooperasyong pangkapitbansa at pangkaibigan at iba pang isyung kapuwa nilang pinahahalagahan.

Idinaos noong Sabado sa Singapore ang isang malaking parada bilang pagdiriwang sa Chinese Lunar New Year. Lumahok sa parada ang mahigit 3000 artista mula sa iba't ibang bansa at ang 17 malaking floats. May kasaysayan ng 35 taon ang tradisyonal na parada na ito.

Bumisita noong Sabado si prinsesang Maha Chakri Sirindhorn ng Thailand sa isang eksibisyon ng mga akda ni Cao Mingqiu, bantog na pintor na Tsino. Ang 8 araw na eksibisyong ito ay binuksan nang araw ring iyon sa Bangkok.

Pagpasok sa bakasyon ng Spring Festival, lumaki ang bilang ng mga turistang Tsino papuntang Laos at Thailand at mga turistang dayuhan patungong Tsina mula sa nasabing 2 bansa sakay ng bapor sa Lancang-Mekong international sealane.