Dear Filipino Service,
How is everything?
Kumusta na ang weather diyan sa Beijing? Supposed to be spring na, di a?
Nasumpungan ko ang inyong station noong 1998 at noon, nagtatrabaho pa ako sa Hong Kong bilang physiotherapist. Para sa akin, ang inyong mga programa ay dapat tangkilikin ng mga kababayan na nagtatrabaho sa abroad para malaman nila ang current happenings sa China at matutuhan nila ang technic sa pagnenegosyo ng mga Chinese at ganoon din naman iyung mga paraang ginagamit nila kaya sila ay successful sa iba't ibang fields.
Ngayon, kahit abala ako sa aking itinayong maliit na negosyo, nakakapakinig pa rin ako sa inyong mga programa at sa katunayan, alam kong bising-bisi kayo dahil opening ng inyong National People's Congress. Nalaman ko lang ito sa inyong pagbabalita at gusto ko na ring samantalahin ang pagkakataong ito na batiin ang mga kinatawan ng kongreso na tapat na tagapaglingkod ng bayan.
Alam niyo, iyong niluluto ninyong Chinese foods sa inyong Cooking Show ay puwedeng i-adopt bilang part ng Filipino cuisine kasi angkop sa panlasa ng mga Pinoy.
Noong Chinese New Year binati ko kayo sa pamamagitan ng SMS at gusto kong ulitin ang aking bati: Happy Year of the Pig!
Always, Nani Ramos New Territories Hong Kong
|