• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-03-02 13:36:10    
Dalubhasang Tsino, inilahad ang katangian ng Asean

CRI
Kasabay ng multipolarisasyon ng daigdig, buong siglang umuunlad din ang Asean. Pagkaraan ng ilang taong pag-unlad, lalung lalo na lumikha ito ng modelo ng pagtutulungan na tulad ng pagtutulungan sa pagitan ng 10 bansang Asean at Tsina, Hapon at Timog Korea o 10+3 at East Asia Summit na ang miyembro ay kinabibilangan ng naturang 13 bansa at gayundin ng India, Australiya at New Zealand, tumitingkad ang papel ng Asean bilang isang organisayong panrehyon. Kaugnay ng pag-unlad ng Asean, nakatanggap ng ekslusibong panayam ng mamamahayag ng CRI si Zhang Yunling, Direktor ng Institute of Asia-Pacific Studies ng Chinese Academy of Social Sciences.

Ipinalalagay ni Zhang na kumpara sa Uniyong Europeo o EU, sa larangan ng kalakal man o sa sistema, hindi pa rin naisasakatuparan ng Asean ang totoong integrasyon, pero, aniya, ito ang katangian ng organisasyon at angkop ito sa Timog-Silangang Asiya. Ipinaliwanag niya na:

"Bilang isang organisasyong panrehiyon, ang papel ng Asean ay makikita sa dalawang sumusunod na aspekto: una, salamat dito, ang mga bansa sa rehiyon na magkakaiba ang saklaw at lebel ng pag-unlad ay nasa ilalim ng balangkas ng pagtutulungan; ikalawa, maaaring kumatawan ang Asean ng boses at interes ng mga kasapi sa pagpapaunlad ng relasyon nila ng iba pang panig. Sapul nang itatag ang organisasyon, nananatiling mapayapa at matatag ang rehiyon, napapasulong ang kabuhayan at nalutas na o nalulutas ngayon ang mga alitan."

Sinabi rin ng dalubhasang Tsino na kumpara sa EU na may kapangyarihan ng lehislasyon at interbensyon, isinasagawa naman ng Asean ang pagtutulungan sa pamamagitan ng pagsasanggunian. Aniya, ang operasyon ng Asean ay nagpapakita ng kulturang silanganin. Sinabi pa niya na:

"Ang kulturang oriental ay naghahangad ng harmonya batay sa pagkakaiba, ibig sabihin, kinikilala nito ang katotohanan na may pagkakaiba-iba ang daigdig at gawin itong batayan ng komong pag-unlad. Pagdating sa pagtutulungan ng mga bansa, ang konseptong ito ay may dalawang ponto--una, sa kabila ng mga pagkakaiba, dapat makakita ng komong interes ang mga kinauukulang panig; ikalawa, lutasin ang mga alitan at isakatuparan ang pagtutulungan sa pamamagitan ng pagsasanggunian sa halip ng komprontasyon."

SUNDAN sa ika-9 ng Marso