• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-03-05 18:55:16    
Pebrero ika-26 hanggang Marso ika-4

CRI
Naaprobahan noong Miyerkules ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina, pinakamataas na organo ng kapangyarihan ng bansa, ang kasunduan hinggil sa pagtatakda ng sugpungan ng hangganan ng Tsina, Biyetnam at Laos. Ayon sa kasunduang ito, ang sugpungan ng hanggahan ng tatlong bansa ay nasa puntong 1864 na metro ang taas ng Shiceng bundok. Narating ang kasunduang ito sa pamamagitan ng mapagkaibigang talastasan ng tatlong bansa at nilagdaan ito sa Beijing noong Oktubre ng nakaraang taon. Ipinalalagay ng pamahalaan ng Tsina na ang pagpapatibay ng kasunduang ito ay makakabuti sa pangangalaga sa katatagan ng lugar ng sugpungan ng hanggahan ng tatlong bansa at pagpapasulong ng pagsarbay at pagtatakda ng linya-hanggahan ng lupa ng Tsina at Biyetnem at patatag ng relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon at mainam na pangkapitbansa ng tatlong bansa.

Ipinahayag noong Martes sa Beijing ni Qin Gang, tagapagsalita ng ministring panlabas ng Tsina, na dapat tulungan ng komunidad ng daigdig sa positibo at konstruktibong pakikitungo ang pagpapasulong ng mapayapang pambansang rekonsilyasyon ng Myanmar sa paunang kondisyon ng paggagalang sa soberanya at pambansang dignidad nito. Sinimulan noong Lunes ang pagdalaw sa Myanmar ni Tang Jiaxuan, kasangguni ng estado ng Tsina at nagpalitan siya at mga lider ng Myanmar ng palagay hinggil sa bilateral na relasyon at mga isyung kapuwa pinahahalagahan. Sinabi ni Qin na laging ipinalalagay ng Tsina na dapat lutasin ang mga suliraning panloob ng Myanmar batay sa nagsasariling pagsasanggunian ng pamahalaan at mga mamamayan nito.

Idinaos noong Miyerkules sa Jakarta ang evening gala bilang paggunita sa ika-50 anibersaryo ng kooperasyong pangkultura ng Indonesya at Tsina. Bumigkas ng talumpati sa aktibidad na ito si pangulong Susilo Bambang Yudhoyono ng Indonesya na nagsasabing dapat patuloy na pahigpitin ang pagpapalitan at pagtutulungang pangkultura ng dalawang bansa.

       

Ipinadala noong isang linggo ang Ministri ng Kultura ng Tsina sa Malaysia ang isang folk art ensemble mula sa Lalawigan ng Liaoning sa hilagang silangan ng bansa para isagawa ang mahigit 20 araw na pagtatanghal bilang pagdiriwang sa Spring Festival.

Ipinahayag noong Miyerkules sa Kunming ni Liu Jin'an, puno ng administrasyon ng transportasyon ng pambansang lansangan ng lalawigang Yunnan sa timog kanluran ng Tsina na sa taong ito, magsisikap ang Yunnan para lagdaan nila ng Myanmar ang kasunduan ng transportasyon ng sasakyang de motor, ito ay nagpapakitang may pag-asang bubuksan ng Tsina at Myanmar ang pandaigdig na linyang pantransportasyon. Ipinahayag ni Liu na nakahanda ang Yunnan na lumikha ng paborableng kalagayan para sa pagbubukas ng linyang ito sa lalong madaling panahon. Ayon sa estadistika, sa taong 2006, lumampas ang Myanmar sa Hong Kong at naging pinakamalaking partner sa kalakalan ng lalawigang Yunnan.

Tinukoy noong isang linggo ni Li Luoli, professor of the Nankai University ng Tsina, na ang pagpapasulong ng kooperasyon sa Pan Beibu Gulf ay hindi lamang magpapahigpit ng relasyon ng Tsina at Asean, kundi rin lilikha ng multi-win situation. Mahuli ang pag-unlad ng Rehiyong Automonong Zhuang ng Guangxi sa dakong timog ng Tsina dahil ito ay nasa border area. Iniharap noong isang taon ng Guangxi ang koseptong "kooperasyong panrehiyon sa Pan Beibu Gulf". Ang rehiyon ng kooperasyong pangkabuhayan sa Beibu Gulf Rim na binubuo ng Guangxi, Guangdong, Hainan ng Tsina at ilang lalawigan ng Biyetnam ay ipinalawak ng konseptong ito sa Malaysia, Singapore, Indonesiya, Pilipinas at Brunei.