• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-03-05 19:00:53    
Tsina, buong-sikap na kinukumpleto ang serbisyong pinansyal sa kanayunan

CRI
Kumpara sa mga lunsod, nananatili pa ring atrasado ang serbisyong pinansyal sa kanayunan ng Tsina. Ang kadahilanan nito ay ang mga sumusunod: una, kaunti pa rin ang bilang ng mga sangay sa kanayunan ng mga malaking bangko. Sa kasalukuyan, ang Agricultural Bank of China o ABC ang kaisa-isang ari-ng-estadong bangkong komersyal na nagsasagawa ng serbisyo sa kanayunan. Ikalawa, limitado pa rin ang uri at saklaw ng segurong pang-agrikultura.

Bilang pagkatig sa pag-unlad ng kanayunan, ipinasiya kamakailan ng Pamahalaang Tsino na komprehensibong repormahin ang ABC. Kaugnay nito, nagkoment si Dr. Lin Yifu, Direktor ng China Center for Economic Research ng Peking University, na sa pamamagitan ng repormang ito, ang kanayunan ng Tsina ay makapagtatamo ng mas malaking pondo. Sinabi niya na:

"Ang Bank of China, Industrial and Commercial Bank of China (ICBC) at China Construction Bank (CCB), 3 iba pang nangungunang bangkong komersyal na ari ng estado ay naglilingkod sa mga lunsod at sa industriya. Samantala, kinakailangan din ng bansa ang isang malaking bangko na naglilingkod sa agrikultura, kanayunan at mga magsasaka."

Bukod sa ABC, mapapasailalim din sa reporma ang China Postal Savings Bank para higit na makapaglingkod sa kanayunan.

Kasabay ng pagrereporma sa naturang mga bangko, nagsapubliko kamakailan ng bagong regulasyon ang China Banking Regulatory Commission o CBRC bilang pagkatig sa mga establisyemento o indibiduwal mula sa loob at labas ng bansa na magbukas ng bangko sa kanayunan. Kaugnay nito, isinalaysay ni Liu Mingkang, Puno ng CBRC, na:

"Sa ilalim ng naturang regulasyon, hihikayatin ng Pamahalaang Tsino ang mga institusyong pinansyal, bahay-kalakal at indibiduwal mula sa loob at labas ng bansa na mamuhunan, magbili o magbukas ng bagong bangko sa kanayunan. Paluluwagin namin ang kanilang market access na tulad ng pagbabawas ng registered capital."

SUNDAN sa ika-12 ng Marso