• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-03-05 19:02:00    
Matandang Beijing at modernong Beijing

CRI
Sa paghahanap ng lugar na mabibisita sa Tsina, ang Beijing ang dapat ninyong piliin. Ito'y isang lunsod na maraming tradisyon at walang dudang isang lunsod ng mga magkatotoong pangarap. Ito ang naging karanasan ng dayuhang turistang si Mike Liston sa dalawang taong pamamalagi niya sa dakilang lunsod na ito at alam niyang ito rin ang naging karanasan ng milyong milyong iba pang residente ng Beijing.

Gayunman, maging sa posibleng pinakamagandang sirkumstansiya, karamihan sa mga turista ay maaaring magkaroon ng napakasuperpisyal na idea hinggil sa sinauna ngunit modernong lunsod na ito. Noong naninirahan at nagtatrabaho pa siya sa Beijing, madalas siyang makakita ng mga grupo ng mga alaga sa ginhawang middle-class na mga turista mula sa apat na sulok ng daigdig. Karamihan sa kanila ay grupo-grupong pinasasakay sa mga naka-aircon na luxury tour buses.

Kapag hindi naiipit sa trapiko ang kanilang sasakyan, dali-dali silang dinadala sa iba't ibang cultural tresures, na kadalasa'y may laang ekstrang panahon para makapamili sa malalaking tindahan at kumain sa mga mamahaling restawran. Sigurado na, pagkaraan ng ilang panahon, ang mga pagkain, lugar at hotel ay parang wala nang pagkakaiba sa isa't isa.

Sabi ni Mike, kung magtu-tour kayo sa Beijing, dapat maglaan kayo ng hindi kukulangin sa isang linggo at huwag kayng sasakay sa tour bus. Ang mga sasakyang pampubliko anya at ang inyong sariling dalawang paa ang maghahatid sa inyo sa mga pinakakanais-nais na paligid. Basta iwasan nang ninyo anya ang paglakad sa mga abalang oras.

Iminumungkahi rin niya ang pagbisita sa isang distrito ng hutong o alleys sa paligid ng Fuchengmen subway station. Anya, ang distritong ito ang talagang maituturing na old Beijing na mabilis na naglalaho sa harap ng mga moderno at magarang apartment towers at mga office building. Maliligaw ka anya sa makikipot at paliku-likong eskinita, pero sandali lang.

Ang isa pang kawili-wiling ditrito, kung saan ang estilo ng matandang Beijing ay buong buo pa, ay ang paligid ng mga lawa ng Xihai, Houhai at Qianhai, na konektado pahilagang silangan sa kilalang Beihai Park. Ang pamamasyal sa tabi ng mga lawa patungo sa Beihai Park ay napakagandang paraan ng pagpapalipas ng maghapon.

Ang pamamasyal sa Xidan kung gabi ay hindi dapat mawala. Ang Xidan ang siyang pinakapangunahing shopping district ng Beijing at nag-aalok ng mga paninda para sa mga luxury market at middle-class Chinese. Mula Xidan, maglakad-lakad kayo sa kilalang Chang'an Avenue pasilangan hanggang sa makarating kayo sa Ti'anmen Square. Ang mga ilaw ng lunsod ay laging nagliliwanag, lalo na kung may malalaking kapistahan.