• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-03-08 19:09:28    
Pamumuhay sa loob ng Imperial Palace

CRI
Alinman sa 2 gilid ng tatlong malalaking bulwagan ng panlabas na palasyo ay lalo pang pinaganda ng mas maliliit na bulwagan at tore. Ang lahat ng mga ito, na nakaayos sa perpektong simetrika, ay bumubuo ng isang di-pangkaraniwang grupo ng arkitektura. Pagkaraang madaanan ang hall of preserving Harmony, makikita naman ang maringal na gate of heavenly purity na nagbubukas sa panloob na palasyo kung saan nakatira ang mga emperador ng Dinastiyang Ming at Qing at lugar din para sa kanilang mga pang-araw-araw na aktibidad na pampamahalaan. Nandoon din ang mga maringal na silid-tulugan ng mga empresa. Katulad ng sa panlabas na palasyo maayos na nakahanay sa kahabaan ng sentral na aksis ang hall of heavenly purity, hall of union, at hall of earthly tranquility. Ang una at ikatlong bulwagan ay nagsisilbing tirahan ng emperador at kanyang mga empresa, samantalang ang bulwagan nasa gitna naman ay ang depositoryo para sa 25 jade seal na ngayon ay nakatanghal ayon sa orihinal na pagkakaayos ng mga ito.

Sa magkabilang tabi ng panloob na palasyo ay may tig-aanim na bakuran. Ang mga bulwagan sa mga bakurang ito ay may marangyang muwebles ng Dinastiyang Ming at Qing na buong gandang inukit at nilapatan ng mahahalagang bato. Sa gitna ng walang kabuhay-buhay na karangyaang ito ay namuhay ang daang babae ng mga emperador at libong mga alalay nila. Maraming malungkot na kuwento hinggil sa mga sawing-palad na babaeng ito. Marahil ang pinakakalunus-lunos ay ang tungkol kay Zhen Fei, ang mahal na babae ni Emperador Guang Xu. Dahil sa pagkatig niya sa mga aktibidad ng reporma ni Guang Xu ay pinaglayo sila. Noong panahon ng Boxer Rebellion at bago masakop ang Beijing ng mga kapangyarihang imperilalista, sinikap ni Ci Xi na himukin si Zhen Fei na tumalon sa isang balon. Nang tumanggi siya, inutusan ni Ci Xi ang isang courtier na itulak siya sa balon. At pagkatapos tumakas si Ci Xi sa pamamagitan ng isang pinto sa likod at pumunta sa Xi'an. Ang kapatid na babae ni Zhen Fei, isa rin sa mga babae ng emperador ay gumawa ng isang altar para sa kanya sa bakuran, at ang balong iyon ay kilala ngayon bilang "Zhen Fei's well".

Karapat-dapat lamang na pag-ukulan ng espesyal na atensiyon ang hall of mental cultivetion sa panloob na palasyo. Dito sa lugar na ito tinatanggap ng mga emperador ng Qing Dynasty pagkatapos ng 1723, ang kanilang mga pribadong bisita, binabasa ang mga memorandum at ulat, at ini-isyu ang mga kautusan. May isang trono sa sentral na silid at dalawa sa silangang silid, ang isyu ay nasa likuran ng isa pa. Ang emperador ay umuupo sa unahang trono samantalang si Empress Dowager Ci Xi naman ay nasa likuran at natatakpan dahil hindi niya dapat makita ang mga babae sa publiko. Gayunman, naghari sa Ci Xi nang may kamay na bakal sapul noong 1861 hanggang noong mga huling araw ng pyudal na monarkiya ng Tsina. Ang lahat ng mahahalagang pasya ay ginagawa dito, at ang iba ay traydor sa bansa. Sa mga ito ay mayroon ding mga kautusang imperyal na nagpahintulot sa paglagda sa mga di-pantay na kasunduang ipinataw ng mga dayuhang imperialista sa Tsina. Ang mga ito ang nagpababa sa katayuan ng Tsina sa semi-kolonyal.

Ang mga karaniwang mamamayan ay dapat manatiling malayo sa pader ng Forbidden City na ito. Mahigpit na ginuwardiyahan ang buong palasyo. Gayunman, nakapasok pa rin ang mga manghihimagsik at mga mamamatay-tao. Ang pinakamalubhang pagsalakay sa palasyong ito ay naisagawa ng mga rebolusyonaryong magsasaka na pinamumunuan ni Li Zicheng na humantong sa pagbagsak ng Ming Dynasty. Nandoon pa rin ang hall of the Martial spirit kung saan itinayo ni Li Zicheng ang kanyang korte.

Ang pamumuhay sa loob ng Imperial Palace ay puno ng kabulagsakan, kahayupan at kabatugan. Ang tavleware ng imperyal na pamilya ay yari sa ginto, pilak at jade. Araw-araw, pinagsisilbihan si Empress Dowager Ci Xi ng mahigit sa sandaang putahe sa isang kainan lang, at ang gastos para dito ay sapat na para makapagpakain ng limang libong magsasaka.