Mula sa ika-2 ng Marso
Nakakakita ang mga bisita dito sa eksibisyon ng maraming pormang pansining na gaya ng pinta, potograpo at iba pa. Sa pamamagitan ng mga naitanghal na obra, malalaman ng mga bisita ang buhay ng mga katutubong naninirahan sa North America, ang panghalina ng mga tagapagtatag ng estado ng Estados Unidos, at pati ang kasaganaan ng industriya at progreso ng teknika ng Estados Unidos at tunguhin ng masiglang pag-unlad ng modernong sining sa bansang ito. Ipinalalagay ni Shu Ji, isang manonood na makakatulong ang eksibisyong ito ng mga bisita na komprehensibong unawain ang sining ng Estados Unidos. Sinabi niya na:
"Sa palagay ko, napakabuti ng eksibisyong ito, kaya pumarito ako. Ito ay may dalawang katangian: una, ang kasaysayang ipinakikita nito; ikalawa, ang mga ipinakikita nitong katangian ng kontinente ng North America."
Ipinalalagay ni Ginoong Fan Di'an, Direktor ng China Art Gallery na sa kasalukuyan, bagama't nagkakaroon ng parami nang paraming pagkakataon ang mga mamamayang Tsino para panoorin ang sining na pandaigdig, kaunti pa rin ang kanilang pagkaunawa sa arte ng Estados Unidos, lalong lalo na bihira ang pagkakataon sa pagkakita ng mga orihinal na obra. Para rito, sa halos dalawang buwang eksibisyon, nakipagtulungan ang China Art Gallery sa eksbisyon para sa pagsasagawa ng iba't ibang aktibidad na akademiko.
Napag-alaman, nagtutulong-tulong din ang China Art Galley at Bohai Bank of China para magsagawa ng pinakamalawak na eksibisyong pansining para sa pagpapasulong ng pampublikong edukasyon, at namahagi ng mga 100 libong tiket sa mga undergraduate sa rehiyon ng Beijing at Tianjin, nag-organisa pa sila ng ilang experts lecture at espesyal na simposyum hinggil sa sining, at nag-anyaya sa mga eksperto at undergraduate sa talakayan.
|