• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-03-09 20:51:05    
Moda ng ASEAN, halimbawa sa iba't ibang organisasyong panrehiyon

CRI

Mula sa ika-2 ng Marso

Sinabi ng dalubhasa na episiyente ang naturang paraan ng Asean. Halimbawa, aniya, nakatanggap ang Asia-Pacific Economic Cooperation o APEC ng mungkahi ng Asean na lutasin ang mga isyu sa pamamagitan ng pagsasagawa ng pangako at yugyu-yugtong paraan sa halip ng talastasan. Bukod dito, aniya, itinatag ng Asean ang Asean Regional Forum o ARF at ito ay iba sa mga tradisyonal na aliyansang panseguridad. Aniya pa, nangunguna rin ang Asean sa 10+1 at 10+3 mekanismo ng diyalogo at gayundin sa East Asia Summit. Kasabay nito, mabunga rin ito sa pagtatatag ng FTA, malayang sonang pangkalakalan at paggagalugad sa Greater Mekong Sub-region.

Iniharap ng dalubhasang Tsino ang isa pa ring halimbawa. Aniya, sa ilalim ng nabanggit na mekanismo ng diyalogo, narating ng Tsina, Pilipinas at Biyetnam ang kasunduan na magkakasamang maggalugad sa South China Sea.

Sinabi ng dalubhasang Tsino na pagdating sa pakikipagtulungan ng Asean sa iba pang mga panig, masasabing pinakamahalagang bunga ay ang China-Asean Free Trade Agreement at nagpapasulong din ito ng katulad na talastasan nila ng Hapon at Timog Korea ayon sa pagkakasunod. Kaugnay nito, sinabi pa ni Zhang na:

"Ipinakikita ng mga katotohanan na episyente ang pakikipagtulungan ng Asean sa iba pang mga panig sa ilalim ng pagsasanggunian at pagtutulungang panrehiyon. Ang Asean ay nagsisilbing nukleong lakas sa pagpapasulong ng pagtutulungan ng Silangang Asiya at buong Asiya. Ang Tsina ang una sa paglagda sa Asean sa Free Trade Agreement at gayundin sa Tratado ng Pagkakaibigan at Pagtutulungan ng Timog-Silangang Asiya, bagay na nagpapakitang lubos na kumikilala at naggagalang ang Tsina sa papel ng Asean. Ang pagtutulungan ng Tsina't Asean ay hindi lamang angkop sa interes ng dalawang panig, kundi maging sa kapayapaan at kaunlaran ng Silangang Asiya at Asiya-Pasipiko."