• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-03-12 10:36:08    
NPC at CPPCC, magandang halimbawa sa ibang bansa

CRI
Dalawang mahalagang pulong ang magkasunod na binuksan sa Beijing noong nakaraang Sabado't Lunes--pulong ng CPPCC o Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino at sesyon ng NPC o Pambansang Kongresong Bayan.

Ang mga komperensiyang ito na sapul noong magsimula ay binibigyan na ng full-coverage ng local at international media ay matamang sinusubaybayan ng mga kababayang matagal nang nakikinig sa Filipino Service ng CRI. Ang isa sa mga tapat na tagapakinig na ito ay si Minda Gertos na kasalukuyang dumadalaw sa kaniyang mga magulang sa Alemanya.

Sa pag-uusap namin sa telepono, sinabi ni Minda na noon mismong magsimula siyang makinig sa aming transmission, sinusundan na niya ang taunang pulong ng NPC at CPPCC dahil meron aniyang tuwirang katuturan ang mga ito sa buhay at kabuhayan ng mga mamamayang Tsino at sa pangkalahatang kalagayan ng Tsina sa mga darating na ilang taon. Very relevant aniya ang kasalukuyang pulong dahil nakapokus ito sa personal income tax, private property right, intellectual property right, education, public health at iba pang katulad na isyu.

Sinabi niya na sana matutuhan din ng iba pang kababayan ang pakikinig sa mga balita ng Serbisyo Filipino para malaman nila ang latest development sa NPC at CPPCC meeting...

Ayon kay Minda, lubos ang kaniyang pagpapahalaga sa mga gawain ng NPC at CPPCC dahil ang dalawang organong ito na ang mga gawain ay nagko-complement sa isa't isa ay nagsisilbing magandang halimbawa sa mga katulad na organo ng ibang bansa lalo na ng mga umuunlad na bansa. Epektibong-epektibo aniya ang mga resulta ng kanilang gawain at tumatagos hanggang sa pinakamahirap na miyembro ng lipunan...

1990's pa ay nakikinig na si Minda sa aming istasyon at walang pulong ng NPC at CPPCC na hindi niya nasundan kaya masasabing siya ay buhay na saksi sa mga gawain at tagumpay ng mga organong ito.

Iyan, narinig ninyo ang malayong tinig ni Minda Gertos na nagpapahayag ng palagay hinggil sa ginaganap na mga pulong ng Pambansang Kongresong-Bayan at Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino.

Incidentally, si Minda ay nagtatrabaho bilang press relations officer ng isang foundation na ang gawain ay may kinalaman sa pangangalaga sa kapaligiran.

Oras na naman para sa pagbabasa ng liham ng tagapakinig dito sa Dear Seksiyong Filipino. Ang liham na bibigyang-daan natin ay padala ni Nani Ramos ng New Territories, Hong Kong. Sabi ng kaniyang liham...

Dear Filipino Service,

How is everything?

Kumusta na ang weather diyan sa Beijing? Supposed to be spring na , di a?

Nasumpungan ko ang inyong station noong 1998 at noon, nagtatrabaho pa ako sa

Hong Kong bilang physiotherapist. Para sa akin, ang inyong mga programa ay dapat tangkilikin ng mga kababayan na nagtatrabaho sa abroad para malaman nila ang current happenings sa China at matutuhan nila ang technic sa pagnenegosyo ng mga Chinese at ganoon din naman iyung mga paraang ginagamit nila kaya sila ay successful sa iba't ibang fields.

Ngayon, kahit abala ako sa aking itinayong maliit na negosyo, nakakapakinig pa rin ako sa inyong mga programa at sa katunayan, alam kong bising-bisi kayo dahil opening ng inyong National People's Congress. Nalaman ko lang ito sa inyong pagbabalita at gusto ko na ring samantalahin ang pagkakataong ito na batiin ang mga kinatawan ng kongreso na tapat na tagapaglingkod ng bayan.

Alam niyo, iyong niluluto ninyong Chinese foods sa inyong Cooking Show ay puwedeng i-adopt bilang part ng Filipino cuisine kasi angkop sa panlasa ng mga Pinoy.

Noong Chinese New Year binati ko kayo sa pamamagitan ng SMS at gusto kong ulitin ang aking bati: Happy Year of the Pig!

Always,
Nani Ramos
New Territories
Hong Kong

Maraming-maraming salamat, Nani, sa iyong liham. Alam mo, sa totoo lang, iyong tipo ng sulat mo ang gusting-gusto kong basahin sa programang ito kaya sana makasulat ka nang madalas.

At wala na tayong oras. Maraming salamat sa inyong pakiking. Itong muli si Ramon Jr. na nagpapaalam at nagpapaalalang ang kabutihan ay ipinapasa, hindi ibinabalik.