• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-03-12 10:36:28    
Mga organong pinansyal ng Tsina, kinakatigang magkaloob ng minicredit sa mga magsasaka

CRI

Mula sa ika-5 ng Marso

Kakatigan din ng Pamahalaang Tsino ang nasabing mga organisasyon o indibiduwal na magtatag ng bahay-kalakal na nagkakaloob ng minicredit sa mga magsasaka at mga bahay-kalakal sa kanayunan.

Bukod sa pagbabangko, kukumpletuhin din ng Pamahalaang Tsino ang industriya ng seguro sa kanayunan. Hinggil dito, isinalaysay ni Wu Dingfu, Puno ng China Insurance Regulatory Commission o CIRC, na:

"Sa taong ito, upang mapaunlad ang seguro na nagtatampok sa kanayunan, magsasaka at agrikultura, isasagawa ng CIRC ang mga sumusunod na hakbangin. Una, aktibong makikipagtulungan kami sa iba pang mga panig para mabalangkas ang mga kinauukulang patakaran. Ikalawa, magtatatag ng agricultural insurance reserve fund para makatugon sa matinding pananalasa ng kalikasan. Ikatlo, hihikayatin ang mga kompanya ng seguro na magdevelop ng endowment insurance, medicare at accident insurance para matugunan ang kinauukulang pangangailangan ng mga magsasaka."

Ang naturang mga bagong patakarang pinansyal ay mainit na tinanggap ng mga dalubhasang Tsino. Sinabi ni Xia Bin, dalubhasa mula sa Development Research Center ng Konseho ng Estado ng Tsina, na:

"Makakatulong ang mga ito sa pag-unlad ng agrikultura ng bansa at gayundin sa paglaki ng kita ng mga magsasaka."

Gayunpaman, tinukoy rin ng mga dalubhasang Tsino na nahaharap din ang Tsina sa malaking hamon pagdating sa pagpapabuti ng serbisyong pinansyal sa kanayunan na tulad ng malaking non-performing loan at kakulangan sa batas ng segurong pang-agrikultura. Bilang tugon, iminungkahi nilang bumalangkas ang Pamahalaang Tsino ng mga konkretong hakbangin sa lalong madaling panahon.