Mga sangkap
150 gramo ng karot 150 gramo ng siling berde 150 gramo ng kabute 120 gramo ng labong 150 gramo ng patatas 150 gramo ng fried gluten 120 gramo ng snow peas 100 gramo ng salad oil 2 gramo ng asin 10 gramo ng shaoxing wine 1 gramo ng vetsin 5 gramo ng mixture of cornstarch and water
Paraan ng pagluluto
Alisin ang buto ng siling berde at balat ng karot. Hiwa-hiwain sa mahabang piraso ang karot, siling berde, kabute, labong, patatas at snow peas. Ibabad nang maigsi ang fried gluten sa mainit na tubig.
Initin ang salad oil sa temperaturang 135 hanggang 170 degree centigrade. Igisa muna ang mga piraso ng patatas at pagkatapos, lagyan ng karot, siling berde, kabute, labong, snow peas at fried gluten. Buhusan ng shaoxing at lagyan ng asin at vetsin. Bago isalin sa plato, buhusan ang mixture of cornstarch and water. Isilbi.
Katangian: maganda ang kulay.
Lasa: maalat, masarap at malutong.
|