Ang hall of supreme harmony, parihaba ang hugis, ay kasintaas ng isang siyam na palapag na gusali at may kabuuang saklaw na dalawang libo tatlong daang metro kuwadrado. Ito ang pinakamalaking nananatiling estruktura ng palasyo na yari sa kahoy ng Tsina at isang katangi-tanging sagisag ng kahanga-hangang kombinasyon ng kulay na siyang dahilan kung bakit kilala ang arkitektura ng Tsina. Ang pagkakaiba at pagtutugma ng mga ito ay madaling mapapansin ang matingkad na dilaw na bubungan na yari sa makintab na baldosa sa ilalim ng asul na langit, ang pamakuan na napipintahan nang buong husay, ang magkakasunod na ginintuang dekorasyon sa pulang pinto at ang pulang-pulang haligi sa putting terasa.
Ang trono sa sentro ng bulwagan ay nakatindig sa isang platpormang 2 metro ang taas at nauukitan ng disenyo. Naagapayanan ito ng anim na haligi na napapalamutian ng mga ginintuang dragon. Sa itaas ng tronong ito ay kisame na kung tawagin ay coffered ceiling na may ginintuang disenyo ng dragong naglalaro ng perlas.
Ang bulwagang ito ay tinatawag na hall of the golden throne. Sapagkat dito idinaraos ang mga maraingal na seremonya na tulad ng pag-akyat ng isang bagong emperador sa trono, kaarawan ng emperador o pagpapatalastas ng mahahalagang kautusan. Sa mga okasyong ito, ang daang imperyal, isang kilometro ang haba, na nag-uugnay sa Tian'anmen at hall of supreme harmony ay naaagapayanan ng mga watawat at sagisag na imperyal. Ang mga sibilyan at opisyal militar ay nakaluhod nang magkakahilera sa bakurang nakapaglalaman ng siyamnapung libong tao. Pag-akyat sa trono ng emperador, tinutugtog ang gongs, chimes at ibang mga instrumento na nakalagay sa galeriya, at pumapailang-lang ang halimuyak ng insenso mula sa insensaryo at haliging yari sa tansong tagak at pawikan sa terasa.
Kuwadrado at mas maliit ang hall of central harmony kung saan nagsasanay para sa seremonya ang mga emperador. Sa likod nito ay ang hall of preserving harmony na pinagdarausan ng bangkete at pagsusulit na imperyal. Sa bulwagang ito, sa bisperas ng Lunar New Year, naghahanda taun-taon ang emperador para sa kanyang mga ministro, matataas na opisyal at mga maharlika ng mga minoryang nasyonalidad bilang pagdiriwang sa tagumpay ng mga hari. Hinggil naman sa pagsusulit na imperyal, ang mga kandidatong pinili mula sa mga iskolar sa buong bansa ay naka-upo, nagsusulat ng artikulo bilang tugon sa mga tanong ng emperador na karamihan ay may kinalaman sa paraan ng pagpapatatag ng paghaharing imperyal. Kung nasiyahan ang pinuno sa kanilang mga sagot, pagkakalooban ng iba't ibang uri ng scholarship ang mga kandidato at sisimulan ang kanilang tungkuling opisyal. Sa likod ng hall of central harmony ay isang pambihirang piraso ng eskultura na nakakaakit sa mga bisita. Ito ay isang malapad at makapal na tipak na bato na inukitan ng disenyo ng ulap at dragon at inilagay sa pagitan ng 2 hagdanang yari sa marmol. Ang tipak na batong ito, 16.57 metro ang haba, 3.07 metro ang lapad at 17 metro ang kapal ay tumitmbang ng 2 daang tonelada. Ang mga tipak na batong ito ay tinibag sa mga bundok sa timog-kanluran ng Beijing na kung ilang kilometro ang layo. Dinala ito sa pinagtatayuan ng palasyo sa panahon ng taglamig na kung kailan ang mga balon ay hinuhukay bawat kalahating kilometro sa kahabaan ng daan at ang tubig na sinasalok mula sa mga balon ay ibinubuhos sa daan upang maging yelo. Hinahakot ang mga tipak na bato sa pamamagitan ng bapor na lapad ang ilalim at dinadala sa telo.
|