• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-03-15 10:30:46    
Ang kuwento ng isang mangangalakal na Taiwanes at kaniyang Black Wood

CRI

Ang Ebony ay isang uri ng fossil ng cedar at iba pang hardwood na nabuo sa ialim ng riverbed pagkaraan ng ilang libong taong nakalipas at maging mahigit sampung libong taon dahil sa heolohikal na pagbabago. Palagiang tinatawag ito ng mga mamamayang Tsino na black wood. Dahil maliit ang bilang at di-matutubo muli, itnuturing na hiyas ito mula sa sinaunang panahong nakalipas at kapita-pitagang itong tinatawag na "banal na kahoy sa silangan". Ang Chengdu Plain ng lalalwigang Sichuan sa timog kanlurang Tsina ay isa sa mga pinakamalaking pinanggagalingan ng mga blackwood ng buong daigdig. Sa artikulong ito, isasalaysay ang kuwento ng isang mangngangalakal na Taiwanes sa Sichuan at ng kaniyang black wood museum.

Si Lu Hongjie ay isang mayamang mangangalakal na Taiwanes na naninirahan ngayon sa Chengdu. Dahil sa pagkamahal sa black wood, nag-laan siya ng mahigit 30 milyong Yuan RMB para magtatag ng isang Black Wood Art Museum sa Chengdu na naging iisang ganitong museong di-pamapahalaan sa buong daigdig. Isinalaysay niyang may napakagandang kondisyon para sa pagtatatag ng museong ito sa Sichuan. Sinabi niyang:

"Kung magtatatag ng isang ganitong museo sa Taiwan, kailangan, marahil, ang pagsisikap ng ilang henerasyon. Ngunit, sa Sichuan, dahil sa mainam na likas na kondisyon at buong lakas na pagkatig ng pamahalaan, lubos na pinapasulong ang industriyang pangkultura na ito."

Si Lu ay isinilang sa isang rehiyong panturista sa katimugang Taiwan at mula sa kaniyang kabataan, mayroon siyang malaking intrest sa paggagalugad ng mga supernatural phenomenon ng kalikasan. At pagkatapos, sumapi siya sa industriya ng real estate at naging isang mayamang mangangalakal. Noong 1990, pumunta siya sa Chengdu at nagkasalubong siya doon ng isang dalaga na lokal na si Luo Yan at pagkatapos, naging mag-asawa sila. Sa isang aksidental na pagkakataon, natuklasan niya ang isang black wood at mula noon, nabighani siya't nabaon sa pag-aaral nito. Sinimulang niyang humanap ng mga materiyal at kaalaman hinggil sa ebony. Ayon sa pananaliksik ng mga archaeologist, ang mga black wood sa Chengdu ay nabuo noong 3 libong taong na ang nakalipas at ang pinakamatanda ay noong 26 libong taon na ang nakalipas. Ito ay hindi lamang nagkakaloob ng batayang siyentipiko para sa pananaliksik ng heolohikal na pagbabago sa sinaunang panahon, espesiyal na ng kasaysayan ng pag-unlad ng mga ilog, kundi nagdudulot din ng mga di-mahahalinhang impormasyon para sa pananaliksik ng kapaligirang ekolohikal, kalagayan ng species, pag-unlad ng agrikultura, klima at iba pang likas na elemento sa mahabang panahon.

Pagkaraan nito, sinimulang niyang itipon ang mga black wood sa iba't ibang lugar ng Chengdu. Naalaala ng kaniyang asawa na si Luo Yan ang mahirap na karanasan ni Lu sa paghahanap ng black wood. Salamat sa kaniyang walang humpay na pagsisikap, hanggang noong 1996, umabot sa mahigit 2 libong metrong kubiko ang mga black wood na itinipon niya. Sa panahong iyon, meron siyang isang ideya hinggil sa pagtatatag ng isang museo ng black wood sa Chengdu. Sinabi niyang:

"Ang black wood ay isang produktong pangpanahon na galaing sa dakilang kalikasan at hindi maari itong muling tumubo. Kaya, gusto kong magtatag ng isang museo para masalin ang mga ito sa hene-henerasyon."

Sa ilalim ng pagktig ng pamahalaan ng Chengdu, mabilis na naitayo ang Black Wood Art Museum ni Lu. Isinalaysay ni Lin Xin, puno ng deapartementong akademiko ng muesong ito na ang pagtatatag ng museong ito ay may mahalagang katuturan para sa pag-aaral at pagpapanatili ng mahahaling likas na pamanang ito. Kaugany ng kaniyang boss na si Lu, sinabi niyang:

"Bilang isang kinatawan ng taga-Taiwan, pinili ni ginoong Lu na mamuhunan sa larangan ng kultura. Makikita ang tubo sa mahabang panahon ng ganitong pamumuhunan at hindi maliwanag pa ang benibisyo. Ang aksyong ito ni Lu ay kumakatawan hindi lamang sa kaniyang sarili ideya, kundi ang ideya ng maraming taga-Taiwan: dapat magkaisa tayong lahat at magkasamang magmahal sa inang-bayan at magkasamang mangalaga at lumikha ng sariling bagong kultura."