Si Chen Zhongshi ay isang manunulat ng Tsina. Sa mahabang panahon, naninirahan siya sa kanayunan sa dakong hilagang kanluran ng Tsina, at nagawaran siya ng Maodun Literature Award--pinakataas na gantimpala sa nobela ng Tsina dahil sa sinulat nitong nobelang pinamagatang "White Deer Plateau" na inilalarawan ang pamumuhay ng mga magsasaka at pagbabago ng kanayunan.
Sa Lalawigang Shaanxi sa dakong kanluran ng Tsina, may isang rehiyon na tinatawag na "white deer plateau". Ang white deer plateau ay isang malawak na rehiyon na malapit sa lunsod ng Xi'an, kapital ng lalawigang ito, at inilalarawan ng awiting ito ang pamumuhay ng mga residente doon.
Gustong gusto ni Chen Zhongshi ang ganitong matapang at marubdob na katutubong kultura. Nakakaramdam siya ng kasiglahan at bukas-loob na nakatitimo sa puso ng mga magsasaka sa kabila ng kanilang mahirap na pamumuhay. Lubos na naantig siya ng diwang ito ng kaniyang kababayan at ipinasiya nitong ipakita ito sa kaniyang katha. Labis na nahihirapan siya sa landas ng pagiging bantog na awtor mula sa magsasaka.
Noong 1942, isinilang si Chen Zhongshi sa isang maliit na nayon sa rehiyon ng white deer plateau, at ang kaniyang mga maggulang ay pawang magsasaka. Dahil sa mahirap na pamumuhay, wala ibang pagpili si Chen kundi paghinto ng kaniyang pag-aaral sa paaralan. Pagkaraan nito, nagturo siya sa nayon sa anim na taon. Sa panahong ito, namumuhay siya araw-araw sa gitna ng mga magsasaka, kaya, pamilyar na pamilyar siya sa pamumuhay ng mga magsasaka at mga suliranin ng kanayunan.
Sinabi niyang ang kaniyang hirap, ligaya, lungkot, hangarin at ang kanilang nagtatrabaho sa bukid ay nakaukit lahat sa kaniyang isip, at ito aniya ay talagang pinakamahalagang yaman para sa kaniyang pagkatha.
Noong ika-7 hanggang ika-8 dekada ng nagdaang siglo, ipinalabas ni Chen ang isang serye ng maikling kuwento at nobela na nagpapakita ng pamumuhay sa kanayunan, at noong 1982, inilathala niya ang kaniyang kauna-unahang short story collection na pinamagatang "nayon", at sa gayo'y unti-unting naitatakda ang kaniyang katayuan sa sirkulong pampanitikan ng Tsina.
SUNDAN sa ika-23 ng Marso
|