• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-03-16 10:28:00    
China Studies, painit nang painit sa Pilipinas

CRI
Ang patuloy at mabilis na pag-angat ng Tsina sa pulitika at kabuhayan ay nakakatawag ng malaking pansin ng mga mamamayan sa apat na sulok ng daigdig. Dumarami nang dumarami ang mga taong gustong makaalam hinggil sa Tsina at ang pag-aaral ng Tsina at wikang Tsino ay nauuso na sa maraming bansa. Naranasan ko mismo ito noong bumisita ako kamakailan sa Pilipinas. Narito ang isang interview hinggil dito sa mga dalubguro at guro ng UP o Pamantasan ng Pilipinas.

Ang China Studies ay isang programa ng Asian Center ng UP. Komprehensibo ang pag-aaral sa ilalim ng programang ito na sumasaklaw sa iba't ibang larangan ng Tsina.

Isinalaysay sa akin ni Dr. Aileen Baviera, Dean ng Asian Center na...

Sa kasalukuyan, 25 mag-aaral ang nagmemedyor sa China Studies at may iba pang mahigit 20 na hindi pa tiyak ang medyor ang nag-aaral dito bilang awditor. Ayon kay Dr. Baviera, kasunod ng mabilis na pag-unlad ng Tsina, pagpapatingkad nito ng mas mahalagang papel sa daigdig at pagpapahigpit naman ng relasyong Sino-Pilipino, bukod sa naturang mga estudyante, ang mga naglilingkod sa Pamahalaang Pilipino at staff ng media organizations ay umaattend din sa mga kursong China Studies bilang vocational training. Aniya...