Sa kanyang pakikipagtagpo noong Martes sa Beijing kay Ho Duc Viet, pirmihang kagawad ng pulitburo ng Komite Sentral at kalihim ng sekretaryat ng Partido Komunista ng Biyetnam, ipinahayag ni Jia Qinglin, pirmihang kagawad ng pulitburo ng Partido Komunista ng Tsina at tagapangulo ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino, na sa bagong kondisyong pangkasaysayan, malawak ang prospek ng pagpapasulong ng Tsina at Vietnam ng pagpapalitang pangkaibigan at pagtutulungang may mutuwal na kapakinabangan. Ipinahayag din ni Jia na ikinasisiya ng panig Tsino ang pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa at dalawang partido. Nananalig siya na sa ilalim ng pagsisikap ng dalawang panig, tiyak na mapapasulong ang relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon ng dalawang bansa sa bagong antas. Ipinahayag naman ni Ho Duc Viet na pasusulungin ng Biyetnam ang relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon sa Tsina. Noong Lunes, nakipagtagpo rin kay Ho Duc Viet si Wang Jiarui, puno ng International Department ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina. Sa pagtatagpo, buong pagkakaisang ipinalalagay ng dalawang panig na ang lalo pang pagpapalakas ng pagpapalitang pangkaibigan at kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan ng dalawang partido at dalawang bansa sa iba't ibang larangan ay makakabuti sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon.
Opisyal na sinimulan noong Martes sa Nanning, isang lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Guangxi sa dakong timog kanluran ng Tsina, ang ika-7 klase para sa advanced studies ng mga pandaigdig na kabataang kadre at ang 38 kabatang kadre mula sa Biyetnam ay lumahok sa seremoniya ng pagsisimula ng semester. Sinimulan noong taong 2002 ang aktibidad ng pagpapalitan ng mga pandaigdigang kabataan ng Guangxi ng Tsina na naglalayong lalo pang palakasin ang pakikipagpalitan at pakikipagtulungan sa mga kabataang organisasyon ng mga bansa sa mga purok na may Mekong River na tulad ng Biyetnam, Cambodia, Laos, Myanmar, Thailand at iba pa.
May pag-asang itatatag ang isang pamilihan ng prutas ng Tsina at ASEAN sa loob ng taong ito sa Nanning. Napag-alamang aabot sa mahigit 640 milyong RMB ang laang-gugulin sa pamilihang ito at aabot sa 20 bilyong RMB ang bolyum ng transaksyon bawat taon. Nitong ilang taong nakalipas, kasunod ng walang humpay na pagpapaunlad ng malayang sonang pangkalakalan ng Tsina at ASEAN, dumadalas ang kalakalan ng Tsina at ASEAN. Ayon sa pinakahuling estadistika ng ministri ng komersyo ng Tsina, hanggang katapusan ng noong isang taon, umabot sa 160.8 bilyong dolyares ang bolyum ng bilateral na kalakalan ng Tsina at ASEAN na lumaki nang 23% kumpara sa taong 2005.
|