Ang rehiyong Katimugang Anhui, isang lalawigan sa gitnang dako ng Tsina ay nasa silangang pampang ng Ilog Yangtze. Dahil mabundok at kapos sa mga likas na yaman at di-mainam ang kondisyon ng komunikasyon, ang pag-unlad ng rehiyong ito ay maliwanag na atrasado kung ihahambing sa mga rehiyon sa baybaying-dagat ng Tsina.
Nitong ilang taong nakalipas, iniharap ng Pamahalaang Tsino na palakasin ang konstruksyon ng bagong kanayunan at nagtakda rin ng isang serye ng patakaran para dito. Nagkaloob ito ng isang napakagandang pagkakataong pangkasaysayan sa rehiyong ito na ang karamihan ng populasyon ay magsasaka at nagdulot ng bagong puwersang tagapagpasulong sa pag-unlad nito.
Bibisita tayo sa ilang nayon ng rehiyong ito at aalamin natin ang mga aktuwal na pagbabago sa lupang ito na dulot ng konstruksyon ng bagong kanayunan.
Ang Nayong Li ng Lunsod ng Chizhou na nasa paanan ng Bundok Jiuhua, isang kilalang bundok sa timog Anhui, ay may maliit na populasyon at bukirin. Nitong maraming taong nakalipas, ang pagtatanim lamang ang ikinabubuhay ng mga taga-nayon at napakababa ng lebel ng kanilang kita. Ngunit, gumaganda ngayon ang kalagayan ng nayon, dahil mabilis na umuunlad ang isang may katangiang industriya nito -- ang paggawa ng Zongba o Palmy Besom, isang uri ng trandisyonal na panlinis ng Tsina.
Noong 2005, ang pangkaraniwang taunang kita per capita mula sa industriyang ito ay umabot sa 5 libong Yuan RMB o 625 dolyares. Isinalaysay ng puno ng Nayong Li na noong una, datapuwa't marunong gumawa ng nasabing Zongba ang bawat taga-nayon, ang paggawa nito ay mga indibiduwal na aksyon o maliitan lamang kaya kaunti lang ang kita.
Sapul nang isagawa ang patakaran ng bagong kanayunan, ipinasiya ng pamahalaang lokal na buong sikap na paunlarin ang mga may katangiang industriya sa lokalidad. Ipinauna ng mga may kinalamang departamento ang pagbibigay ng pautang sa mga magsasaka para enkorahehin silang paunlarin ang may katangiang industriya. Pinapatnubayan din ng pamahalaan ang mga taga-nayon na magtatag ng samahan ng industriyang ito para maiwasan ang panganib ng pamilihan at mabawasan ang gugulin sa produksyon.
SUNDAN sa ika-26 ng Marso
|