• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-03-22 16:57:02    
Ang kuwento ni Pingping hinggil sa pagbili ng bahay

CRI

Kasunod ng pagtaas ng lebel ng pamumuhay, tumataas din ang kahilingan ng mga mamamyaang Tsino sa pabahay. Para sa mga kabataang Tsino na namumuhay sa piling ng kanilang magulang, ang pagkakaroon ng sariling bahay ay ang kanilang pianakamalaking hangarin. Sa artikulong ito, isasalaysay sa inyo ang kuwento ng isang ganitong kabataang Tsino na si Pingping hinggil sa pagbili ng bahay.

Ang 25 taong gulang na lalaking si Pingping ay katatapos sa pamantasan at nagtatrabaho ngayon sa isang bahay-kalakal ng anunsyo. Laging naininirahan siya, kasama ng kaniyang mga magulang, sa isang matandang komunidad na pinamagatang Yong Le sa kanlurang Beijing. 60 metro kuwadrado lamang ang lumang bahay ng kaniyang pamilya. Sa taong ito, binabalak ni Pingping na pakasalan ang kaniyang kasintahan na nag-iibigan nang ilang taon. Mangyari pa, mahirap kung maninirahan pa rin kasama ng kaniyang mga magulang pagkaraang mag-asawa. Kaya, ang isyu ng tirahan ay naging pinakamalaking isyung dapat lutasin niya bago ang pag-aasawa. Dahil maliit ang lumang bahay at mataas din ang gastos sa renta, ipinasiyang ni Pingping na bumili ng isang bagong bahay.

Ang ideya ni Pingping hingggil sa pagbili ng bahay ay nagpapa-alaala sa kaniyang nanay na si ginang Wu tungkol sa kaniyang mahirap na karanasan nitong maraming taong nakalipas. Sinabi niyang

"Nang bata pa ako, napakahirap ng kondisyong residensiyal at ipinalalagay namin noon sapat na kung may isang lugar na matirahan, ngunit sa kasalukuyan, kasunod ng pagtaas ng lebel ng pamumuhay, tumataas din ang kahilingan ng mga kabataan sa isyu ng tirahan."

Noong gitnang dako ng ika-9 na dekada ng nagdaang siglo, namigay ang departamento ng asawa ni ginang Wu ng kasalukuyang nilang tinitirahang bahay. Noong 1998, ayon sa patakaran ng welfare ng bansa, bumili siya ng bahay na ito sa 30 libong Yuan RMB lamang. At mula noon, may sariling bahay na silang mag-asawa.

Ipinakikita ng pagbabago ng kalagayang residensiyal ng pamilya ni ginang Wu ang pagbabago ng kalagayang residensiyal ng lahat karaniwang taga-Beijing. Noong 10 taong na ang nakaraan, mga 10 metro kuwadrado lamang ang karaniwang saklaw ng tinitirahan bawat taga-Beijing, ngunit, sa kasalukuyan, lumampas ito sa 20 metro kuwadrado.

Nang sariwain ang walang humpay na bumubuting kondisyong residensiyal, kaisya-siya si Wu sa kasalukuyang 60 metro kuwadradong bahay. Ngunit, nagkaiba ang ideya ni Pingping. Sinabi niyang:

"Gusto kong bumili ng isang malaking bahay. Dahil, ayaw kong gumawa ng anumang pagbabago sa hinaharap kapag bumili ako ng isang maliit, maraming problema ang lilitaw sa kinabukasan. Siyempre, mabigat ang presyur ko sa pautang. Sa kabutihang palad, may tumatanggap akong subsidy sa pagbili ng bahay mula say unit na pinagtatrabahuhan ko, humupa nang kaunti ang presyur."

Ipinalalagay ni Dai Jianzhong, propesor ng Social Science Academic ng Beijing na ang pagbubuti ng kalagayang residensiyal ng pamiliya ni ginang Wu ay isang mainam na halimbawang nagpapakita ng pagbabago ng panahon. Sinab niyang:

"Mula sa panahon ng planned economy, reporma't pagbubukas, market economy at hanggang sa kasalukuyan, tumataas nang malaki ang lebel ng pamumuhay ng mga mamamayang Tsino na nagpapakita, pangunahin na, sa aspekto ng tirahan. Umabot na sa kabuuan sa lebel ng may kaginhawahan ang kondisyong residensiyal ng mga taga-Beijing."

Para sa mga karaniwang taga-Beijing, malaki pa rin ang presyur sa pagbili ng bahay. Dahil walang humpay na tumataas ang presyo ng bahay. Ang labis na mainit na pamilihan ng real estate ay hindi lamang nakakaapekto sa katatagan ng kabuhayan ng bansa, kundi gayun rin sa pamumuhay ng mga mamamayan. Kaugnay nito, sa katatapos na taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina, ipinahayag ni premiyer Wen Jiabao ng Tsina na: 

"Dapat paunlarin ng industriya ng real estate, pangunahin na, ang mga karaniwang bahay para sa malawaka na masa ng mga mamamayan. Dapat magbigay ang pamahalaan ng espesiyal na pansin at tulong sa mga mahihirap na pamilya sa paglutas ng isyu ng tirahan at palakasin ang pagmomonitor at pagkontrol sa presyo ng bahay para pigilin ang labis na mabilis na paglaki ng presyo ng bahay at panatilihin ito sa isang makatuwirang lebel."