• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-03-23 19:31:17    
Nobelang "White Deer Plateau" at mga magsasaka sa hilagang kanlurang Tsina

CRI

Mula sa ika-16 ng Marso

Sa taong ito, opisyal na sumapi si Chen sa Samahan ng mga Manunulat ng Shanxi, at ito ay nagbigay sa kaniya ng pagkakataong magtrabaho sa Xi'an para sa kaniyang pagsulat, ngunit ipinsiya niyang manatili sa nayon. Bagama't naging bantog na si Chen sa Shanxi at maging sa buong bansa, pinanatili pa rin niya ang kaniyang dating estilo ng pamumuhay.

"Gula-gulanit ang aking bahay sa nayon, at naninirahan ako doon. Nakakabili na ako ngayon ng karbon para magpainit ng silid, at ito ay isang palatandaan ng pagiging mabuti ng aking pamumuhay."

Noong 1987, nagsimulang ikolekta ni Chen ang materyal sa mga bayan at lunsod para umakda ng isang nobela upang maipakita ang malaking pagbabago ng Tsina at kaisipan, hangarin at kapalaran ng mga tao sa kurso ng pagbabago nitong ilampung taong nakalipas. Kaugnay ng kaniyang kathang ito, sinabi niya na:

"Sa kathang ito, mayroon ilang pangyayaring historikal at aking palagay at paghawak sa mga pangyayaring historikal na ito, dahil, pamilyar na pamilyar sa mga ito. Posibleng lumitaw ang ilang magkakaibang palagay sa mga opinyon ko. Pero, pagkaraang mailathala ang aking akdang ito, umani ito ng malaking reaksyong pampubliko, talagang nabigla ako."

Ang nobelang "White Deer Plateau" ay naglatag ng kaniyang katayuan sa sirkulong pampanitikan ng Tsina. Inilarawan ng akdang ito ang kuwento ng ilang henerasyon ng dalawang pamilya nina Bai at Lu na naninirahan sa lupaing ito. Ito ay hindi lamang nagpapakita ng malalim na pagbabago ng lipunan ng kanayunang Tsino nitong halos kalahating siglong nakalipas at diwa at hangaring kultural ng mga magsasaka, kundi nagpapakita pa ng pag-aaral at pagsusuri ni Chen Zhongshi sa kanayunan at kalagayan ng eksistensiya ng mga magsasaka.