• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-03-26 16:54:25    
Marso ika-19 hanggang ika-25

CRI

Nakipag-usap noong Martes sa Beijing sina premyer Wen Jiabao at ministro Cao Gangchuan ng tanggulang bansa ng Tsina kay dumadalaw na ministro Douangdchay Phichit ng tanggulang bansa ng Laos at nagpalitan sila ng palagay hinggil sa kalagayan ng seguridad ng daigdig at rehiyon, relasyon ng hukbo ng dalawang bansa at iba pang isyung kapwa nilang pinahahalagahan. Sa panahon ng pag-uusap, sinabi ni Cao Gangchuan na nakahanda ang Tsina, kasama ng Laos, na panatilihan at pasulungin ang pagpapalagayan sa mataas na antas at propesyonal na pagpapalitan at kooperasyon ng dalawang hukbo. Ipinahayag ni Douangdchay na ang pagpapaunlad ng relasyon ng hukbo at mga mamamayan ng dalawang bansa ay hindi lamang ankop sa pundamental na kapakanan ng mga mamamayan ng dalawang bansa kundi makakabuti sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon at buong daigdig. Inulit niya na igigiit ng Laos ang patakarang isang Tsina, at kakatigan ang usapin ng reunipikasyon ng Tsina.

Kinatagpo noong Miyerkules sa Beijing ni kalihim He Yong ng sekretaryat ng komite sentral ng Partido Komunista ng Tsina ang observer group ng Lao People's Revolutionary Party na pinamumuhunan ni Thongsy Ouanlasy at nagpalitan ang dalawang panig ng palagay hinggil sa mga isyung kapwa nilang pinahahalagahang tulad ng relasyon ng Tsina at Laos at iba pa. Sinabi ni He na magsisikap katulad ng dati ang Tsina para pasulungin ang relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon ng Tsina at Laos at aktibong isakatuparan ang komong palagay na narating ng mga lider ng dalawang Partido at bansa. Lubos na pinapurihan ni Thongsy ang bunga ng relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon ng dalawang Partido at bansa. Binigyang-diin niya na lubos na pinahahalagahan ng Partido at pamahalaan ng Laos ang kanilang relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon sa Tsina at nakahanda sila na patuloy na pasulungin, kasama ng Tsina, ang pag-unlad ng relasyon ng Laos at Tsina.

Ipinahayag noong Huwebes sa Hanoi ni Le Dung, tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Biyetnam, na ang pagdalaw sa Tsina sa malapit na hinaharap ni Pham Gia Khiem, pangalawang punong ministro at ministrong panlabas ng Biyetnam, ay para mapasulong ang lumalalim nang lumalalim, aktibo at mabisang pag-unlad ng komprehensibong relasyong pangkooperasyon ng dalawang bansa. Sinabi pa niya na ang layon ng pagdalaw na ito ay para magpatupad ng komong palagay na narating ng mga mataas na antas ng dalawang bansa noong nakaraang taon at maghanda para sa pagdalaw ng mataas na antas ng kaniyang bansa sa Tsina sa taong ito, kasabay nito, magpalitan ng kuru-kuro hinggil sa pagpapatupad ng kasunduan ng bilateral na kabuhayan at kalakalan at ibayo pang pagpapasulong ng kooperasyon ng mga lalawigang panghanggahan ng dalawang bansa.

Napag-alaman noong Martes ng mamamahayag mula sa sekretaryat ng China-Asean Expo na sinimulan na ang iba't ibang gawain ng paghahanda para sa ika-4 na China-Asean Expo, at sa kasalukuyan, opisyal na sinimulang tanggapin nito ang pagpaparehistro. Idaraos sa Nanning mula ika-20 hanggang ika-23 ng Oktubre ng taong ito ang ika-4 na China-Asean Expo na may 3300 booth lahat lahat. Ipapauna ng expong ito ang kooperasyon sa logistics sa mga puwerto at aktibong pasusulungin ang kooperasyon ng Tsina at iba't ibang bansang Asean sa aspektong gaya ng konstruksyon ng dock, pagsasaoperasyon ng line, serbisyo ng logistics at plataporma ng impormasyon. Itinakda rin ang apat na tema ng ika-4 na Caexpo na kinabibilangan ng kalakalan ng mga paninda, pagtutulungang pangpamumuhunan, sulong at angkop na teknika at pagtutulungang panturismo. Ayon sa opisyal ng naturang sekretaryat, magkakaloob ang darating na China-ASEAN Expo ng mas magandang serbisyo para sa proyekto ng pagtutulungang pangkalakalan, at aktibo nitong paususlungin ang pagtutulungan ng Tsina at iba't ibang bansang ASEAN sa mga aspekto.

      

Upang ibayo pang pahigpitin ang palitan ng Tsina sa mga bansang ASEAN, Hapon, Timog Korea at iba pang bansa't rehiyon sa kabuhayan at kalakalan at pagpapalawak ng kanilang larangang pangkooperasyon, ipinasiya noong isang linggo ng pamahalaan ng rehiyong autonomo ng Guangxi ng Tsina na nagplano ng pagtatayo ng purok ng komersyong pandaigdig ng Tsina at ASEAN. Itatayo ang mga tanggapan ng 18 bansa sa purok na ito. Sa kasalukuyan, natiyak na ang kinaroroonan ng mga tanggapan ng 13 bansang kinabibilangan ng Malaysiya, Timog Korea at Biyetnam. Ang lahat ng tanggapan ay gagamitin bago bukasan ang ika-4 na exposition ng Tsina at ASEAN.

Dumating noong Huwebes sa puwerto ng Manila ang 11 nailigtas na magdaragat na Tsino sa insidente ng paglubog ng isang bapor ng Panama sa rehiyong pandagat ng Pilipinas. Dinalaw sila ng consul general ng Tsina na si Guo Shaochun sa Pilipinas. Sa nasabing 11 magdaragat na Tsina, 10 ang mula sa mainland, at isa ang mula sa Taiwan ng Tsina. Mabuti ang lagay ng katawan at loob nila. Pagkaraan ng kumpirmasyon ng embahador ng Tsina, may 19 na magdaragat na Tsino sa nasabing lumubog na bapor, 13 sa kanila ang nailigtas, 1 ang namatay at 5 ang nawala.

       

Dumating noong Biyernes ang plota ng hukbong-dagat ng Tsina ng Jakarta, punong lusod ng Indonesiya at sinimulan ang 4-araw na pagdalaw na pangkaibigan doon. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na dumalaw ang plota ng hukbong-dagat ng Tsina sa Indonesiya nitong 12 taong nakaraan. Napag-alaman, binuksan noong Sabado ang plota ng hukbong-dagat sa mga mamamayang Indones at nagdaos din ng mga aktibidad na pangkaibigan ang mga opisyal at sundalong pandagat ng Tsina at ng Indonesiya.