• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-03-26 18:20:43    
Fried Beancurd and Spring Onion, 2nd Favorite ng mga Pinoy sa Beijing

CRI
Kumusta na kayo magigiliw na tagasubaybay ng CRI Serbisyo Filipino Cooking Show.

Bago ko ibigay sa inyo an gating guest cook, bibigyang-daan ko muna ang ilan pang pahabol na SMS para sa Year of the Pig.

Mula sa 9108011435: "Sana pagpasok ng Year of the Pig, tumaba din an gating mga bulsa at malubos ang saya at ginhawa. Happy Year of the Pig!"

Mula sa 9286659211: "Gong Xi Fa Cai, Kuya at Gong Xi Fa Cai sa lahat ng bumubuo ng dakilang Serbisyo Filipino ng China Radio. Sana masulat ang pangalang Serbisyo Filipino sa lahat ng sulok ng mundo!"

At mula naman sa 9194260570: "Happy Spring Festival, Kuyang. I hope ang taong ito ay may dalang malalaking suwerte sa inyo!"

Ang guest cook nating ngayong gabi ay isang English teacher. Kilala na siya ng marami sa inyo dahil ilang ulit ko na rin siyang nakapanayam sa telepono. Huwag na tayong magpaliguy-ligoy, narito siya, walang iba kundi si Mam La Trixia.

L'Trixia: Magandang gabi sa inyong laha, Cooking Show fans. Alam niyo, isang malaking kasiyahan at karangalan na rin na maanyayahan sa programang ito na mahigpit na sinusundan ng mga kababayan sa maraming dako ng mundo.

Alam ko at ng ibang tagapakinig na ikaw ay isang guro. Maarin ba nating sabihin na bukod sa pagiging guro ikaw ay isa ring culinary expert?

L'Trixia: Aaaah, hindi. Marami pa akong bigas na kakainin para matawag na eksperto sa pagluluto.

Ano ba ang pangalan ng putaheng inihanda mo para sa mga tagapakinig?

L'Trixia: Gusto kong i-share sa kanila ang isang simple at madaling lutuing Chinese dish na natutuhan ko sa isang kaibigan. Ito ay ang Fried Beancurd and Spring Onion.

Anu-ano ba ang kailangan para sa pagluluto nitong Fried Beancurd and Spring Onion?

L'Trixia: Gaya ng nasabi ko, simple lang ang putaheng ito kaya kaunti lang ang kakailanganing sangkap. Narito:

3 kuwadrado ng beancurd
20 spring onion
3 kutsara ng langis na panluto
1/2 kutsaritang asin at
2 kutsara ng malabnaw na soy sauce

Naritong muli si Mam La Trixia para sa paraan ng pagluluto.

Paraan ng Pagluluto:

Patuyuin nang kaunti ang beancurd at hiwa-hiwain nang pa-cube sa sukat na 1 centimeter. Hiwain ang spring onion, kasama ang talbos, sa sukat na 2.5 centimeters ang haba.

Mag-init ng mantika sa kawali tapos iprito ang beancurd sa loob ng ilang minuto. Huwag kalimutang halu-haluin. Kapag medyo golden na ang kulay, ihulog ang spring onions at ituloy ang pagpiprito sa loob pa rin ng ilang minuto at haluin din occasionally. Lagyan ng asin at soy sauce at hayaan pang maluto nang ilang minuto. Isilbi kaagad pagkalutong pagkaluto.

Narinig ninyo si Mam La Trixia Landicho at ang kaniyang Fried Beancurd and Spring Onion.

Meron pa tayong oras para sa liham ng tagapakinig. Tunghayan natin ang sulat na padala ni Ms. Iron Butterfly.

Dear Ramon,

Kahit mainit ang ulo ko, kumusta pa rin sa iyo at sa kanila. Gusto kong malaman first of all kung ano ang matatanggap kong consolation prize sa pagsali ko sa inyong guessing game. Hindi ako dapat mangulelat dahil marami akong ipinadalang entries. Take note: marami, kaya I wont settle for anything less.

Pasensiya ka na kung medyo matampuhin ako. Alam mo na siguro Ang dahilan. Basahin mo uli iyung sulat na padala ni Someone-Who-Cares na binasa mo sa air. Malalaman mo kung bakit ako nagkakaganito.

Nakuha ko na iyong t-shirt na ibinigay mo sa akin. May painting ito ng Great Wall. Pero t-shirt lang iyun, walang kasamang sulat. Bakit ka naman ganiyan, meron kang tinitingnan at merong tinititigan?

Kung tatanungin mo ang tenga ko, parang mas maganda ata ang quality ng reception ng inyong transmission sa 12.110 mghz Kung gusto mong lumamig ang ulo ko, tawagan mo ako sa telepono at kausapin mo ako nang 30 minutes tulad ng iba, okay?

Kung hindi, forget it. No amount of ice can cool me down.

Till then.

Ms. Iron Butterfly
Cebu City, Phils.

Thank you so much, Ms. Iron Butterfly. Kaunting lamig. Hayaan mo. Tatawagan kita sa telepono at mag-uusap tayo ng hindi 30 minutes kundi isang oras, okay?

At iyan ang kabuuan ng ating pagtatanghal ngayong gabi. Maraming salamat sa inyong pakikinig. Itong muli si Ramon Jr. na nagpapaalam at nagpapaalalang ang kabutihan ay ipinapasa, hindi ibinabalik.